Paano makakaani nang maraming ‘LIKES’ sa Facebook?
Makipag-interact ka sa mga nag-like at nagbigay ng comment. I-like ang kanilang comment at sagutin kung kinakailangan.
Kung magpo-post ng holiday photos, mas magiging interesting ang beautiful sceneries na kinunan mo kung may kasama itong mga tao. Kung beautiful scenery lang, para lang silang tumitingin sa picture ng post card.
Mas gusto ng mga tao na mag-interact doon sa post na sincere, friendly, personal na may halong patawa.
“Mabenta” ang post na may kinalaman sa current internet trend o balitang mainit na pinag-uusapan, local man o mula sa ibang bansa.
Ayon sa pag-aaral, tumataas ng 18 percent ang likes, comments at shares sa araw ng Huwebes at Biyernes.
Lagi kang mag-like sa kanila para i-like ka rin nila. Ipagpalagay mong iyon ay isang “unwritten contract”. Parang sa pang-araw-araw nating buhay—love begets love.
Mag-add nang mag-add ng friends. More friends, more likes. Ganoon lang kasimple.
Iwasang mag-post nang marami. Kahit walang kuwentang activity ay ipo-post. Ikaw na lang ang magiging laman ng newsfeed ng friends mo, ang resulta, magiging nuisance ka sa kanila. Sa halip na likes ang mapala, malamang i-unfriend ka o ilagay ka sa hidden status.
Katuwaan lang ang tips na ito. Kung hindi ka makakuha ng maraming likes sa virtual world ng Facebook, hayaan na lang. Ang mahalaga, marami ang nagla-like sa iyo sa tunay na buhay.
- Latest