^

Punto Mo

Pinakamalaking pamilya sa mundo, may 181 miyembro!

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pamilya sa India ang sinasabing pinakamalaki ayon sa bilang ng miyembro nito. Ang padre de pamilya ng nasabing pamilya ay si Ziona Chana. Nasa 181 ang bilang ng miyembro ng kanyang napakalaking pamilya. Ang kanyang asawa ay 39 at mayroon siyang 94 na anak. Mayroon siyang 14 na manugang at 33 apo.

Sama-samang nakatira ang lahat ng miyembro ng pamilya ni Ziona sa bayan ng Baktwang sa probinsya ng Mizoram. Dahil sa laki ng pamilya, kinailangan niyang itira ang mga ito sa isang malaking gusali na may apat na palapag at 100 kuwarto.

Mahalaga ang disiplina para sa buong pamilya lalong-lalo na sa aspeto ng pagpapakain ng lahat ng miyembro nito. Ang pinakamatandang asawa ni Ziona ang namumuno sa iba pang mga misis niya sa paghahanda ng kakainin ng pamilya. Parang pagluluto para sa isang pista sa tuwing kakain ang buong pamilya ni Ziona na karaniwang nakakakonsumo ng 30 manok, 60 kilo ng patatas, at 100 kilo ng kanin para sa isang hapunan lamang.

Nakapag-asawa ng 39 na beses si Ziona dahil siya ang pinuno ng isang relihiyon na pumapayag sa mga lalaking miyembro nito na mag-asawa nang marami. Unang­ nag-asawa si Ziona nang siya ay 17-anyos at pagkatapos noon ay sunud-sunod na ang kan­yang pagpapakasal.

Kahit maraming asawa, hindi naman nagka­kagulo ang pa­milya ni Ziona. Ayon sa isa sa kanyang mga misis, may respeto ang bawat miyembro ng pamilya kaya maayos ang pakikitungo nila sa isa’t isa.

ASAWA

AYON

BAKTWANG

DAHIL

KAHIT

MAHALAGA

PAMILYA

ZIONA

ZIONA CHANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with