‘Right figures’ na raw, kaya mataas ang krimen’
IPINUPUNTO ng Philippine National Police na kaya daw tumaas ang kriminalidad sa bansa ay dahil inire-report na nila ngayon ang tamang datus.
Maganda na rin ang kanilang reporting system kaya naitatala na ang bawat sumbong at reklamo, maliliit man o malalaking kaso.
Ito ang ginawang paliwanag ng hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kung bakit lumolobo ang bilang ng krimen sa mga probinsya partikular sa Metro Manila.
Dahil dito, naglabas siya ng direktiba. Sa loob ng isang buwan, kapag hindi napababa ng mga nakatalagang station commander o hepe ng bawat istasyon ang krimen sa kanilang hurisdiksyon, agad silang sisibakin sa pwesto.
Kaya malamang, para hindi matanggal, si hepe, magiging “doktor†na naman.
Ang problema sa Pilipinas, sa halip na crime prevention, crime solution o pagso-solusyon nalang sa kaso ang nangyayari.
Ang dahilan, hindi agresibo ang mga pulis. Walang nagpapatrolya o kung mayroon man, hindi ramdam ng mga kriminal. Kaya ang mga putok sa buho, lalo pang lumalakas ang loob na gawin ang kanilang aktibidades.
Kapag may nangyaring krimen, hindi rin agad narerespondehan. Ang nangyayari, ang mga papatay-patay na lespu, magpupulot nalang ng bangkay. Ang mga suspek, nakaeskapo na rin sa lugar.
Sirang plaka na ako sa aking programa at sa kolum na ito dahil sa paulit-ulit na pagtalakay sa kahalagahan ng central communication center o sa Amerika tinatawag na 911.
Anuman ang nangyayaring krimen, sa tulong na rin ng mga telecommunications company, malayang nakakatawag ang sinuman sa 911 at agaran ding narerespondehan.
Wala tayong ganitong sistema sa Pilipinas. Inamin ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na gumagana naman ang 117 pero siyamnapu’t anim na mga tumatawag, “prank caller†dahilan para hindi nila ito seryosohin.
Ang central communication system ang sagot sa pagpapababa ng kriminalidad sa bansa. Ito ang katotohanang alam ng DILG at PNP subalit ayaw lang nilang ipatupad at i-prayoridad.
Panoorin kung papaano ang pagpapatupad ng batas sa Amerika. Log on, bitagtheoriginal.com click “PINOY-US Cops.â€. Taon-taon itong ekslusibong idinodokumento ng BITAG Team Ride Along.
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.
- Latest