7 Alarming Signs…na hindi ka ‘healthy’
1. Laging nagka-cracked ang lips. Lalo na ‘yung bandang corner ng lips. Ang ibig sabihin nito ay kulang ka sa vitamin B12.
2. Noong bata pa ay matangkad siya sa kanyang age pero habang nagkaka-edad ay pumapandak. Napag-iiwanan siya in terms of height na kanyang mga kasing-edad. Okey lang sana kung lahi talaga ng pandak simula pa noong bata. Maaaring may problema sa buto na puwedeng madebelop sa osteoporosis.
3. Laging sinisipon. Ibig sabihin ay kulang sa vitamin C kaya mahina ang immune system.
4. Sobrang madilaw ang ihi. Ang taong hydrated ay malinaw ang ihi. Indikasyon ng pagiging dehydrated ang sobrang dilaw na ihi. Uminom nang marami dahil maaari itong pagmulan ng sakit sa kidney.
5. Hindi nawawalan ng acne, eczema at iba pang sakit sa balat. Ang ating balat ay biggest single organ ng ating katawan. Kapag nagkakasakit sa balat, ito ay nagpapahayag na tayo ay nai-stress at kailangan nating mag-relaks at magpatingin sa doktor.
6. Hindi makatulog nang maayos. Mababaw lang ang tulog. Kaunting ingay, nagigising kaagad.
7. Laging ang pakiramdam ay pagod pero maayos namang matulog at hindi gaanong nakakapagod ang pang-araw-araw na gawain. Ito ang isang indikasyon na may problema sa thyroid.
(Source: www.fitnea.com)
- Latest