^

Punto Mo

EDITORYAL - Panawagan sa DSWD: Mga ‘batang hamog’ sumasalakay na naman!

Pang-masa

NATUTULOG ba ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) katulad ng Philippine National Police (PNP) at hindi nabibigyang pansin ang pagdami na naman ng mga batang kalye na kung tawagin ay mga “batang hamog”? Pagsapit ng dilim o kahit sa kaliwanagan ng araw, sumasalakay ang mga “batang hamog” at nambibiktima ng mga motorista.

Karaniwang target ng mga “batang hamog” ay mga taxi na naiistak sa trapik at ’yung kabababa lamang ng pasahero. Lalapitan at lilibangin ng isa o dalawang “batang hamog’’ ang taxi driver at saka sasalakay ang iba pang kasamahan sa pamamagitan ng pagbubukas sa pintuan. Mabibilis ang mga “batang hamog” na agad nasisikwat ang pera o cell phone ng driver. Bago pa makakilos ang driver, tangay na ang pera at CP niya. Nakatakbo na sa kabilang kalsada ang mga “batang hamog’’. Madalas mambiktima ang mga “batang hamog” sa Guadalupe Bridge, Makati.

Ngayo’y iba naman ang puntirya ng mga batang kawatan, binabaklas naman nila ang baterya ng mga truck na naiistak sa kalye. Na-videohan ang pagsalakay ng mga “batang hamog” sa Osmeña Highway corner Quirino Avenue.

May mga “batang hamog” din sa malapit sa NAIATerminal 1 kung saan sumasampa sa mga sasakyang may sakay na balikbayan at sapilitang nanghihingi. Ayaw nilang bumaba hangga’t hindi nagbibigay.

May mga “batang hamog” din sa Mayon St. corner A. Bonifacio, QC, Recto Ave., at Rizal Avenue.

Hihintayin pa ba ng DSWD at PNP na may mangyaring krimen bago pagdadamputin ang mga “batang hamog”? Kumilos sana sila bago mangyari ang krimen.

BATANG

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

GUADALUPE BRIDGE

HAMOG

MAYON ST.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUIRINO AVENUE

RECTO AVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with