Uok (187)
“NAKAMAMANGÂHA ang nangyaring ito, Tiyo Iluminado. Muling suÂmigla ang mga tanim mong niyog. Nanariwa ang mga dahon at umusbong ang mga bago. Patunay lamang na nawala ang mga peste sa niyog. Pinatay na sila ng mga pinakawalan naÂting Uokcoco!†sabi ni Drew habang pinagmamasdan ang isang puno ng niyog na dati ay walang sigla pero ngayo’y sariwang-sariwa na.
“Ako man ay hindi makapaniwala, Drew. Nananaginip lang ba tayo?’’
“Palagay ko nakatakda tayong yumaman, Tiyo Iluminado. Ang magbibigay sa atin ng kayamanan ay ang mga Uokcoco.’’
“Hindi ko inaasahan na kung kailan ako tumanda, ay saka ako yayaman, Drew.’’
“Ganyan talaga ang buhay, Tiyo Iluminado, mayroon mga bagay na akala natin ay mahirap gawin pero madali lang pala at ito ang magbibigay sa atin ng suwerte.’’
“Paano natin pagkakakitaan ang mga Uokcoco, Drew?â€
“Pinag-aralan ko na ’yan, Tiyo Iluminado. Sa mga karaniwang magsasaka ng niyog, mura lang natin ipagbibili ang bawat Uokcoco. Pero sa mga asyendero, dun tayo babawi.â€
“Magkano ang isang Uokcoco, Drew?â€
“Sa mga haciendero, ipagbili natin ng isang libong piso ang isang Uokcoco. At sa mga karaniwang magsasaka, ipagbili lang natin ng P100 bawat Uokcoco. Tulong na natin iyon sa mga mahihirap na coconut farmers.’’
“Okey sige, Drew.’’
“Paano natin ipaaalam sa mga coconut farmers na mayroon na tayong solusyon sa pesteng white uok?â€
“Ipalathala natin sa tabloid newspaper. Ako na ang bahala roon, Tiyo dahil may kakilala akong editor ng tabloid. Malaki ang sirkulasyon ng tabloid kaya sigurado ako maÂbabasa sa buong bansa ang tungkol sa Uokcoco.’’
“Sige Drew.’’
“Babalik ako sa Maynila bukas, Tiyo para maipalathala na sa diyaryo.’’
“Sige, Drew. Ako na ang bahala sa mga Uokcoco. Balak ko bumili pa ng mga container na paglalagyan ng Uokcoco.’’
“Mas maganda po kung magpagawa ka ng mga paglaÂlagyan natin ng Uokcoco sakali at mayroon nang bumili.’’
“Anong lalagyan ang ipagagawa ko, Drew?â€
“Sa bao po ng niyog, Tiyo. Aalisan po ng laman ang buong niyog at doon ilalagay ang mga Uokcoco.’’
“Tama ka Drew! Yun nga ang magandang paglagyan!â€
(Itutuloy)
- Latest