‘Iskolar’
NANINIWALA ang BITAG Live na dapat mayroong nakatalagang hiwalay na ahensyang tumututok sa mga scholarship program ng pamahalaan.
Sila ang mamimili ng mga iskolar ng bayan o state scholar base sa kanilang isinasagawang eksaminasyon.
Lahat may karapatang mag-aplay, mabigyan ng ayuda at may oportunidad na makapag-aral basta pumasa sa kanilang pamantayan.
Subalit, kabaligtaran ang nangyayari sa bansa. Tulad ng nakasanayan, mga pulitiko partikular ang mga kongresista ang mismong humahawak sa mga iskolar sa bawat lalawigan.
Ang kanilang pagpili, nakadepende sa kanilang deskrisyon at desisyon. Kung botante, kamag-anak o kakilala, mas maswerte, mas malaki ang tyansa.
Sa ganitong sistema, nakondisyon na ang taumbayan na ang mga kongresista ang kanilang “patron†o takbuhan.
Anuman ang kanilang mga pangangailangan, mapa-medikal, pagkain, kasal, binyag, libing, pang-matrikula at iba pa, ibibigay sa kanila ni kongresman.
Ito naman ang sinasamantala ng mga putok sa buhong iniluklok sa kanilang lalawigan, ang magpapogi at mamulitika o ‘yung tinatawag na patronage politics.
Ito ang kulturang nabuo sa pamamagitan ng pork barrel o pagbibigay-suhol sa taumbayan. Ibig sabihin, sila ang “patron†o pinagmumulan ng pondo sa kanilang lalawigan.
Pangunahing trabaho ng mga mambabatas ang gumawa ng batas at hindi makialam sa mga proyekto ng ehekutibo.
Ang problema, sa halip na gumawa sila ng kanilang trabaho, mas abala pa sila sa mga “pet project†o kung ano-anong mga malikhaing proyekto para kumita at makakalap ng boto.
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.
- Latest