^

Punto Mo

Healing Foods

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Olive oil sa Masakit na kalamnan

Ang pagkunsumo ng 3 ½  tablespoon extra virgin olive oil sa buong maghapon ay sapat na upang matanggal ang pana­nakit ng kalamnan. Kung hindi makainom ng purong olive oil, gamitin ito sa vegetable salad. Ang olive oil ay may oleocanthal na nagpapabilis ng pakumpuni ng muscle. Ang olive oil ay epektibo para matanggal ang pamamaga ng muscle kagaya ng nagagawa ng gamot na Ibuprofen.

Pinya: Nagpapagaling ng pasa at gasgas

Mayroon itong bromelain na nagtatanggal ng pasa o pamamaga dahil sa mga galos na natamo ng balat. Kumain ng 2 cups ng fresh pinya sa loob ng isang araw. Pero wala namang over dosage sa prutas lalo na kung wala kang diabetes. Mas marami, mas mainam.

Chamomile Tea sa ‘bloated tummy’

Yung dumadaing diyan na malaki ang tiyan na tila butusin, pag-inom ng chamomile tea lang ang katapat niyan. Nagpapaliit ito ng bloated tummy dahil magaling itong pampatunaw ng kinain.

Pakwan sa masakit na ulo

Base sa ginawang pag-aaral, dehydration ang number one dahilan kung bakit sumasakit ang ulo. Kaya ang solusyon ay kumain ng prutas na mayaman sa tubig. Ang natural na asukal ng pakwan ay nagsisilbing gatong para maging masigla at alerto ang utak. Gawing miryenda ang pakwan.

Parsley laban sa allergy

Ang parsley ay may antioxidant na kung tawagin ay quercetin­. Ito ang humahadlang para hindi sumumpong ang allergy mo pagkatapos kumain ng pagkaing nagbibigay ng problema sa iyo. Ihalo ito sa salad.

CHAMOMILE TEA

IHALO

KAYA

KUMAIN

MASAKIT

MAYROON

NAGPAPAGALING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with