Agri officials, dapat latiguhin ni P-Noy!
LALONG lumalala ang sitwasyon sa mga produktong pang-agrikultura sa bansa. Walang tigil ang pagtaas ng presyo ng bawang, luya at pati bigas na pangunahing pagkain ng mga Pilipino.
Ang nakakapagtaka, wala yatang nangyari sa mga prograÂmang ipinagyayabang noon ni Agriculture secretary Proseso Alcala na sapat ang suplay ng bigas at kakaunti na lang ang aangkatin.
Sa pangkaraniwang maÂmamayan, mahirap tanggapin ang paliwanag ng National Food Authority (NFA) spokesman Rex Estoperez na normal lang daw ang pagtaas ng presyo ng bigas na P2 kada kilo. Epekto raw ito ng tag-init at umunti ang ani ng mga magsasaka.
Eh papaano ngayon ay tag-ulan na? Ang katwiran naman ng NFA ay dahil sa lakas ng ulan ay tataas din ang presyo ng bigas?
Dapat siguro ay ipasuri na ni President Noynoy Aquino ang performance ni Alcala dahil baka naman masyado siyang pinaglilihiman at hindi naman maayos ang pamamalakad sa departamento.
Sa problema na lang sa bawang at luya ay hindi na dapat pang humantong ito sa sobrang pagtaas ng presyo kung naging maagap lang ang agriculture department.
Hindi na rin sana lalawak pa ang peste sa mga niyog (cocoÂlisap) kung mabilis na umaaksiyon si Alcala sa mga problema sa agrikultura.
Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang mapabalita ang cocolisap pero hindi ito pinansin ng departamento hanggang humantong sa malalang sitwasyon kaya ngayon lang umaaksiyon ang gobyerno.
Kamakailan, itinalaga ni P-Noy si dating senador Kiko Pangilinan bilang presidential assistant on food security and agricultural modernization na naglalayong mapabuti ang food security sa bansa.
Dalawa na ang namumuno sa agriculture department subalit problema pa rin ang pagtaas ng presyo ng bigas. Sabagay, hindi pa ito maisisisi kay Pangilinan dahil kakaupo lang niya.
Baka naman may anunsiyo si P-Noy sa kanyang SONA sa Hulyo 28 ukol sa agriculture department o sa pagpapalit ng secretary nito. Nalagay sa kahihiyan ang administrasyon kaugnay ng problema sa mataas na presyo ng bawang, luya at bigas.
- Latest