^

Punto Mo

Lalaki sa India, 25 taon nang naglalakad patalikod para sa kapayapaan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki mula India ang pa­talikod na naglalakad sa loob ng 25 taon at ayon sa kan­ya, ginaga­wa niya ito upang makamit ng buong mundo ang kapayapaan.

Siya ay si Mani Manithan. Naglakad siya nang patalikod noon pang 1989. Sinimulan niya ito noong taon na iyon nang ang India ay naharap sa sunod-sunod na kaguluhan. Noong taong din iyon siya naglakad nang patalikod habang walang kahit anong saplot papunta sa siyudad ng Chennai na halos 500 kilometro ang layo sa kanyang bayan.

Noong 2003, sinubukan niyang ulitin ang paglalakad ng patalikod habang nakahubad bilang protesta sa pagsa-lakay ng U.S. sa Iraq ngunit inaresto kaagad siya ng mga kinauukulan bago pa siya makapaglakad nang lampas isang kilometro.

Mahigit dalawang dekada na ang nakaraan matapos niyang simulan ang kanyang paraan ng pagpoprotesta laban sa kaguluhan sa kanyang bansa pero patalikod pa ring naglalakad si Mani, na ngayon ay may-ari na ng isang tindahan ng mga cell phone. Sa tagal na niyang naglalakad ng patalikod ay hindi na raw siya sanay maglakad ng pangkaraniwan. Ayon kay Mani, nakalimutan na raw ng utak niya kung papaano maglakad ng normal at dahil nakasanayan na niya ang kanyang paraan ng pagla-lakad ay mas komportable na siyang maglakad ng patalikod kaysa paharap.

Bagama’t hindi na ganoon kagulo sa kanyang bansa ay walang balak si Mani na itigil ang kanyang kakaibang panata. Para sa kanya ay napapanahon pa rin ang kanyang panawagan para sa kapayapaan para sa buong mundo lalo na nga-yong kabi-kabila ang mga insidente ng terorismo at pambobomba.

AYON

BAGAMA

CHENNAI

KANYANG

MAHIGIT

MANI MANITHAN

NAGLAKAD

NOONG

PATALIKOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with