^

Punto Mo

‘Congressman Hamburger’ at iba pa

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

ISANG malaking katanu­ngan ngayon ay kung bakit hindi pa rin iniimbestigahan at pinakakasuhan si Mandaluyong Congressman at House majority  leader Neptali Gonzales alyas Congressman Hamburger kaugnay ng napaulat na lumustay ito ng tinatayang P6 milyon para lamang ipambili ng hamburger.

Ang pondo ay mula sa Prio­rity Development Assistance Fund (PDAF)  na umano’y ipinakain sa kanyang constituents sa Mandaluyong.

Ang nasabing isyu ay paulit-ulit ng ibinunyag ni Sen. Jinggoy Estrada sa kanyang privilege speech. Inirereklamo niya ang selective justice dahil matagal na raw nabunyag ang umano’y anomalya sa hamburger ni Gonzales ay hindi man lang ito kinasuhan.

Maging si Gonzales ay patuloy na nananahimik at ayaw ipaliwanag ang detalye ng sinasabing P6 milyong hamburger.

Kung masasampahan ng kaso si Gonzales na kaalyado ng administrasyon at isa sa mga lider ng House of Representatives, wala na sigurong masasabi pa si Jinggoy na sila lang ang pinag-iinitan ng gobyerno dahil sila ay mula oposisyon..

Maituturing na napakagaling na political player si Gonzales dahil halos lahat yata ng administrasyon ay kaalyado nito dahil kapag papalapit nang matapos ang eleksiyon ay nagpapalit na ito ng kulay.

Bukod kay Gonzales, bakit hindi pa rin yata natatapos ang imbestigasyon, kung meron man laban kay An Waray partylist representative Bem Noel na naunang inakusahan din ng umano’y anomalya sa kanyang PDAF.

Samantala, sinasang ayunan ko ang pahayag ni Presidential communications Secretary Herminio Coloma na dapat ay mapagbantay ang publiko sa mga kinasuhan na sa Sandiganbayan na sina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Kaya naman sa mahigpit na pagbabantay ngayon ng taumbayan sa isyu ng PDAF scam ay marami ang nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakasuhan ang mga kaalyado ni P-Noy sa pangunguna ni Budget secretary Florencio Abad, Agriculture secretary Proceso Alcala at TESDA director general Joel Villanueva.

Ang kaso sa tatlong senador ay halos balewala na sa taumba-yan dahil ito ay nasa hurisdiksiyon ng korte. Inaasahang uusad na ito at ang pinaka aabangan naman ay kung mayroon bang makakasuhan na opisyal ng gobyerno na kaalyado ni P-Noy.

Maging ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) ay dismayado rin dahil sa selective  justice sa pork barrel scam. Wala pa kasing nakakasuhan na kakampi ng administrasyon.

vuukle comment

AN WARAY

BEM NOEL

BONG REVILLA

CONGRESSMAN HAMBURGER

DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

FLORENCIO ABAD

GONZALES

HOUSE OF REPRESENTATIVES

JINGGOY ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with