Uok (182)
“OKEY na siguro ang mga pira-pirasong bunot ng niyog na ‘yan, Drew. Kung kulang pa kukuha ako ng mga bunot. Maraming bunot sa may tapahan ng kopra. Bagong lukad lang kasi kaya marami pang bunot,†sabi ni Tiyo Iluminado.
“Tama na po yan, Tiyo. Ilagay na po natin ang mga Uokcoco sa container.’’
Kinuha nila sa katawan ng niyog ang mga Uokcoco. Nasa 20 Uokcoco ang nakuha nila. Pinagsama-sama ang mga iyon sa container. Matapos ilagay, isinunod nilang nilagay ang mga pinira-pirasong bunot ng niyog. Lampas kalahati sa container ang mga bunot.
“Saan natin ilalagay itong container, Drew.’’
“Kahit po sa silong ng bahay, Tiyo. O kahit po sa punong mangga na nasa harap ng bahay.’’
“Tatakpan pa ba natin ang container?â€â€™
“Huwag na po. Hindi naman makakaahon ang mga Uokcoco dahil madulas ang plastic.’’
“Kung gayon ay okey na ito. Sa ilalim ng punong mangga ko ilalagay.’’
“Sige po Tiyo. Magre-research po ako mamayang gabi sa internet ukol mga uok. Aalamin ko kung ano ang kinakain. Tamang-tama na nadala ko ang aking laptop.’’
“Sige Drew.’’
Pero hindi gaanong nakapag-research si Drew dahil naalala niya na baka may nangyari kay Sir Basil sa Maynila. Baka pangitain ang paglabas ng black uok na tinawag niyang Uokcoco.
Tinawagan niya si Gab.
Gulat na gulat si Gab. “Ba’t bigla kang napatawag?â€
“Kukumustahin kita. Miss na kita.’’
“O ba’t di ka pa umuwi kung miss mo na ako.’’
“Meron pa akong ginagawa, Gab. Kumusta ka?â€
“Okey naman.â€
“Si Daddy este si Sir Basil, kumusta?’’
“Okey naman siya.’’
“Walang sakit?â€
“Wala.â€
“Ay salamat!â€
“Bakit?â€
“Saka ko na lang ipaliliwanag pagdating ko diyan. Sige Gab, bukas tawagan uli kita. Bye, I love you!â€
“Love you too!â€
Masayang natulog si Drew. Hindi na siya nakapag-research ukol sa black uok.
Kinabukasan, agad niyang tiningnan ang mga Uokcoco. Gulat siya sa nakita! Tinawag niya si Tiyo Iluminado.
(Itutuloy)
- Latest