^

Punto Mo

‘Pamemeste’ sa CALABARZON

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

WALA pa ring solusyon ang patuloy na pamemeste ng Coconut Scale Insect (CSI) o Cocolisap sa Cavite, Laguna, Batangas at Luzon (CALABARZON).

 Ang mga magsasaka, walang katiyakan kung kailan matutuldukan ang lumalala pang impestasyon sa kanilang lugar.

 Naghihintay nalang sila na umulan at baka mahugasan ang mga insektong pumapatay sa kanilang mga pananim.

 Sa huling datus na inilabas ng Philippine Coconut Autho-rity, humigit-kumulang sa P2 milyong puno na ang nasira ng Cocolisap.

 Taong 2010 nang nadiskubre ng Bureau of Plant Industry ang CSI. Nagsimula ito sa lalawigan ng Batangas.

 Agad ipinagbigay-alam ito ng BPI sa PCA sa pamamagitan ng special order subalit, ipinagwalang-bahala lang ito ng dating nakaupo noong administrador ng ahensya.

 Taong 2013 kung saan kumalat na sa buong rehiyon ang peste, saka lang naging aktibo ang ahensya sa pagsugpo nito. Ngayon, nakaabot na rin sa Pulilio Island, Basilan at Isabela ang Cocolisap.

 Maraming mga solusyon ang inirerekomenda ng PCA at ng binuo nitong Task Force o mga sayantipiko mula sa University of the Philippine Los Baños, subalit lahat ng ito ay maituturing puro pangako.

 Panoorin ang unang serye ng pagtutok ng BITAG sa pamemeste ng “Coconut Scale Insect” sa industriya ng niyog sa bansa.

 Log on, bitagtheoriginal.com para sa advance screening mamayang alas-6:00 ng gabi.

 

BATANGAS

BUREAU OF PLANT INDUSTRY

COCOLISAP

COCONUT SCALE INSECT

PHILIPPINE COCONUT AUTHO

PULILIO ISLAND

TAONG

TASK FORCE

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINE LOS BA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with