^

Punto Mo

Ipaubaya sa korte

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MAS makabubuting huwag makialam ang mga pulitiko sa mga nasampahan ng kaso sa Sandiganbayan dahil sa pork barrel scam.

Ang tinutukoy ko ay sina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla na sinampahan ng Ombudsman sa Sandiganbayan ng plunder na walang piyansa.

Hindi pa man nakakapag-raffle ang Sandiganbayan kung saang dibisyon ang hahawak sa kaso, pinag uusapan na agad ang posibleng pag-absuwelto rito.

May isang mambabatas na nagsasabing malamang na makalusot daw ang tatlong senador kapag si Vice President Jejomar Binay ang maging President sa 2016.

Nakakatawa lang kasi dahil ang nagsasabi ay nakinabang din daw kay Janet Lim Napoles batay sa testimonya at listahang isinumite sa senate blue ribbon committee. Pero ang ganitong mga diskarte ay alam ng taumbayan na may kinalaman sa nalalapit na 2016 elections.

Samantala, nagbibigay ng maling senyales sa taumbayan ang pakikisawsaw nang napakaraming pulitiko sa mga kasong ito na naisampa na sa Sandiganbayan. Dapat, ipaubaya na sa korte ang diskarte at proseso sa kasong plunder laban sa tatlong senador at iba pa na nahaharap sa kaso.

Kung magpapatuloy kasi na makikisawsaw ang ilang pulitiko  sa kasong nasa korte, baka maapektuhan ang magiging takbo ng paglilitis sa kaso.

Ang matindi, baka lumikha nang maling saloobin sa taumbayan  ang bawat kilos ng korte. Sana, maging huwaran ang mga pulitiko na huwag makialam sa korte upang hindi lumabas na pini-pressure ang hudikatura.

Umaasa ako na hindi rin matitigil ang pagbabantay ng taumbayan sa  iba pang sangkot sa pork barrel scam. Dapat managot sila para sa katarungan sa nalustay na pondo ng mamamayan.

 

BONG REVILLA

DAPAT

JANET LIM NAPOLES

JINGGOY ESTRADA

NAKAKATAWA

PERO

SANDIGANBAYAN

SENATORS JUAN PONCE ENRILE

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with