^

Punto Mo

Ang Nakamamanghang Gamit ng Ihi

DIKLAP - Pang-masa

ANG ihi na ginagamit na panggamot ay  ihi pagkagising mo sa umaga. Ang ihi na inilabas mo sa kalagitnaan ang the best. Ito ang sinasabing mainam na ipanghugas ng paa at kamay na pawisin, ayon sa matatanda. Bukod sa gamot ito sa pasma, alam ba ninyo na may iba pang gamit ang ating ihi?

I Pang-babad sa balat ng hayop upang maging first class leather.

II Pampaputi ng labada. Next time na wa epek ang inyong bareta sa pagtanggal ng mantsa sa puting damit, huwag ninyong kalimutan na dala-dala ninyo sa inyong pantog ang the best laundry soap sa buong mundo — ang inyong ihi. Ang ihi ay may ammonia, at ang ammonia na ito ang tumatrabaho para magtanggal ng mantsa at ibalik ang kaputian ng inyong damit.

Noong unang panahon sa Rome, may nakakalat na balde sa bawat sulok ng kalye para doon umihi ang mga tao. Kapag puno na ang balde, ito ay dadalhin sa laundry shop para gamitin sa paglalaba ng maruruming damit. Ang mantsa ay acidic. Ang ammonia mula sa ihi ang nagsisilbing neutralizer sa tela na nagreresulta sa pagtanggal ng mantsa.

III Pampaputi ng Ngipin. Ito ang ginagamit na pamputi ng ngipin ng mga sinaunang Romans. Ang ammonia ulit ang dahilan ng pagputi ng ngipin. Nang magtagal ay natutuhan na rin ng mga Egyptians ang paggamit ng ihi upang i-bleach ang kanilang ngipin. (Itutuloy)

 

 

BUKOD

I PANG

IHI

ITUTULOY

KAPAG

NANG

NGIPIN

NOONG

PAMPAPUTI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with