^

Punto Mo

Libreng sakay ng Makati at ang kondisyon ng LTFRB

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Pinayagan na  ng LTFRB ang Makati City na maipagpatuloy ang kanilang libreng sakay para sa mga pasahero partikular ang mga nagtatrabaho  patungo sa lungsod.

Layon nga kasi rito ng Makati City na maibsan ang pila sa mga istasyon ng MRT tuwing umaga lalu na ngayong nagbukas na ang klase.

Ang libreng sakay na ito ng pamahalaang luingsod ng Makati ay magsisimula mula sa Trinoma sa Quezon City hanggang sa Aya­la sa Makati na ang target nga ay ang mga pumapasok sa lungsod.

Noong una inihayag ng LTFRB na kailangan pa munang kumuha ng special permit ang Makati para maipagpatuloy ang libreng sakay na ito na hindi naman malaman kung bakit pa, lalu na nga at makakatulong sa marami nating mga mamamayan.

Inapela ito ng pamahalaan ng Makati at noon lamang nakalipas na linggo ay inaprubahan ng LTFRB na makapagpatuloy pero nagbigay sila ng ilang mga kondisyon.

Ang nakakatawa at nakakainis dito ay ang kondisyong ang bawat sasakay sa libreng sakay ay kailangan munang hingan kahit single tiket sa MRT.

Kaya ka nga sasakay sa libreng sakay eh para maiwasan mo ang mahabang pila sa MRT na sa pagkuha pa lamang ng tiket sa rami ng pasahero eh talagang aabutin ka ng delubyo.

Hindi malaman dito sa LTFRB kung bakit kailangan pa ito at pagkatapos mong kumuha ng tiket bababa na naman sa istasyon para sumakay sa libreng sakay patungong Makati.

Magulo ang ganitong kondisyon, eh di kung pipila rin lang pala para kumuha ng tiket ng MRT eh di mas nanaisin na ng isang pasahero na isakay na ito sa tren .

Tila nangangamoy na naman ang pulitika rito.

Kung pinayagan na rin lang ang libreng sakay na ito na talaga namang makakatulong sa mga pasahero, bakit kailangan pa silang pahirapan sa pagkuha o pagbili pa ng tiket?

Ano ba yan? Sino kayang magaling ang nagpanukala nito ?

Nagtatanong lang po.

ANO

AYA

INAPELA

LIBRENG

MAKATI

MAKATI CITY

QUEZON CITY

SAKAY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with