^

Punto Mo

Regulasyon ng BIR sa mga doktor at abogado, sayang!

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NAKAPANGHIHINA­YANG na pinigil ng Supreme Court ang bagong regulasyon ng BIR laban sa mga doktor at abogado hinggil sa paniningil nila sa kanilang mga kliyente o pasyente.

Sa inilabas na temporary restraining order (TRO) pi­nigil ng SC ang regulasyon na nag-oobliga sa mga doktor na magsumite ng fixed service  rates at fees, irehistro ang kanilang appointment books na naglalaman ng mga pangalan ng kliyente, tala ng petsa ng meeting at mag-isyu ng resibo kahit na pro bono o libreng serbisyo.

Napakahalaga ng regulasyong ito ng BIR dahil dito mati­tiyak kung nagbabayad nang tamang buwis ang mga doktor at abogado.

Bagamat hindi lahat, maraming doktor at abogado ang nakapagpapalusot sa hindi pagdedeklara nang tamang kita at pagbabayad ng buwis. Tanging ang iniisyung resibo lang ang puwedeng batayan ng BIR para matiyak na nagbabayad ng tamang buwis ang mga ito.

Dehadong-dehado ang mga kagaya kong empleyado dahil 100 porsiyentong nakakapagbayad ng buwis dahil kinakaltas na agad ng employer.

Gayunman, may pamamaraan pa naman ang BIR para matiyak kung tama ang idineklarang income at ibinayad na buwis ng mga doktor at abogado. Alamin lang ang mga pag-aaring house and lot at mga sasakyan na nakarehistro sa LTO. Malalaman kung akma ang kayamanan sa idineklarang income at ibinayad na buwis.

Ang masaklap, kung sino pa ang mga pangkaraniwang manggagawa na maliit ang suweldo, sila pa ang nagbabayad ng tamang buwis. Sana, mahimay nang husto ng SC ang regulasyon para malaman kung magkano ba ang sinisingil ng mga doktor at abogado sa kanilang kliyente.

ALAMIN

BAGAMAT

BUWIS

DEHADONG

DOKTOR

GAYUNMAN

MALALAMAN

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with