Uok (171)
H ABANG nakadungaw sa bintana si Drew ay naalala niya ang ‘pagnanakaw ng tingin’ kay Gab noon habang naliligo ito sa batalan ng dating bahay. Alaala na lamang iyon. NgaÂyon ay malinis na malinis na ang dating kinatatayuan ng bahay. Binakuran na iyon. Malaki rin ang lote. Maaring mahigit 100 square meters siguro.
Sabi ni Sir Basil, kay Gab na ang loteng iyon. Nailipat na ang titulo sa pangalan ni Gab. Naisip ni Drew, ano kaya ang gagawin ni Gab sa loteng iyon. Hindi naman maninirahan dito si Gab. Tiyak na magiging maganda ang hanapbuhay ni Gab sa Maynila.
Muling pinagmasdan ni Drew ang lote ni Gab. IreÂreport niya kay Sir Basil ang tungkol sa lote. Sasabihin niyang may bakod na ito. Okey naman ang kalagayan ng lote. Malinis na malinis. Wala nang bakas na may nakatayong bahay noon. Matutuwa marahil si Sir Basil kapag nalamang maayos na nasunod ang kanyang bilin ukol sa lote.
“Drew! Drew!â€
Nagulat si Drew sa tawag ni Tiyo Iluminado.
“Halika na Drew, kakain na tayo!â€
“Opo Tiyo!â€
Umalis sa pagkakadungaw si Drew at lumabas. Nagtungo sa kusina. Nasa mesa na si Tiyo Iluminado.
“Hala maupo ka na at kumain na tayo. Masarap ang pritong karne ng pugo sa sinangag na kanin at mainit na tableya.’’
“Naku masarap ito, Tiyo. Nasaan po si Tiya EncarÂnacion.’’
“Nasa bayan, bibili raw ng ipauulam sa’yo. Baka bumili ng sariwang gulyasan yun.’’
“Kahit na lang ano, Tiyo. Kumakain naman ako kahit ano.’’
“Gusto kasi ni Encar na masarapan ka.’’
Kumain sila. Masarap higupin ang tableya. Purong-purong kakaw.
“Mamayang hapon, inumin natin ang imported na dala mo. Pampainit. Magtatadtad ako ng puso ng saÂging at sasamahan ng dugo ng baboy at saka maraming sili. Karikari. Masarap yun Drew.’’
“Sige po. Pero kaunti lang inumin ko, Tiyo. Di ako sanay.’’
KINAHAPUNAN, nag-inuman sina Drew sa balkonahe. Nauwi ang usapan kay ‘Uok’.
“Sabi ni Uok, tinukso siya ni Luningning? Parang ayaw kong maniwala!â€
“Yun daw po ang totoo, Tiyo.â€
(Itutuloy)
- Latest