Kastilyo ni Dracula, ipinagbebenta ng $78-M!
ANG Bran Castle ay itinayo noong ika-12 siglo sa rehiyon ng Transylvania sa Romania. Isa itong sikat na destinasyon para sa mga turista dahil ang isa sa mga tumira rito ay si Vlad the Impaler, na naging inspirasyon sa nobelang Dracula. Iniinom umano ni Vlad ang dugo ng kanyang mga kaaway kaya siya ang naging basehan ng may-akda para sa karakter na Dracula.
Bukod sa pagiging tirahan ng taong sinasabing inspirasyon ni Dracula, sikat din ang Bran Castle dahil ito mismo ang naging tirahan ni Dracula sa nobela.
Dinadayo ng mga turista ang Bran Castle. Umaabot sa 550,000 tourists ang dumadalaw dito taun-taon. Dahil sa kasikatan ng Bran Castle, napabalita kamakailan ang planong pagbebenta nito sa halagang $78 milyon (P1 bilyon).
Marami ang nagmay-ari sa Bran Castle dahil ilang ulit nasakop ang Romania ng mga dayuhan. Ang kastilyo ngayon ay nasa kamay ng mga Habsburg, pamilya ng mga dugong bughaw na da-ting naghari sa Europa. Dati nang pagmamay-ari ng mga Habsburg ang kastilyo ngunit naagaw ito sa kanila ng gobyerno nang sila ay napaalis sa puwesto noong 1948. Naibalik ito sa kanila noong dekada 90 at mula noon, sila na uli ang nagmamantini nito.
Matatanda na ang mga miyembro ng pamilya Habsburg na nangangalaga ng Bran Castle kaya pinagpasyahan nilang ibenta ito. Inaasahan nilang aalagan at pagagandahin pa lalo ang Bran Castle ng kung sino mang makakabili nito dahil malaki ang potensyal ng kastilyo na maging pangunahing tourist attraction hindi lamang sa Romania kundi ng buong Europa.
Plano ng Romanian government na bilhin ang kastilyo. Kung matutuloy, plano ng mga kinaÂuukulan na pagandahin pa itong lalo. MagpapagaÂwa rin umaÂ-no ng mga hotel sa lugar para tuluyan ng mga turista.
- Latest