^

Punto Mo

May classrooms shortage ba o wala?

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NAKALILITO ang iba’t ibang pahayag ng mga opisyal ng gobyerno na mayroon daw shortage at may nagsasabi namang wala na raw classrooms shortage kaugnay sa pagbubukas ng klase ngayon.

Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, wala na raw classrooms shortage. Maituturing ko itong malaking kasinungalingan. Kung wala nang shortage bakit two shifts sa isang araw ang klase at may panukala pang gawing tatlong araw ang pasok sa isang linggo upang hindi magsiksikan ang mga estudyante.

Mali ang deklarasyon na wala nang shortage dahil siksikan pa rin ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan. Dumami ang lumipat mula sa pribadong school dahil sa pagtataas ng tuition fee.

Ang tamang paliwanag ukol dito, kapos ang classrooms pero ginawan ng paraan ng gobyerno na mapagkasya ang mga estudyante kaya nagkaroon ng dalawang shift.

Tulad sa Quezon City, aminado ang Department of Education (DepEd) na may kakapusan sa classrooms pero mayroon naman daw sapat na budget para magtayo ng gusali subalit ang problema ay ang lupang pagtitirikan ng school.

Dito makikita kung gaano kapalpak dumiskarte ang local na pamahalaan ng QC sa pangunguna ni Mayor Herbert Bautista. Kapag shopping malls ang itatayo, nakakakuha ang mga negosyante ng lupain samantalang ang gobyerno ay hindi. O baka alibi na lang ito ng QC government. Kung talagang gugustuhin, madaling makakuha ng lupain dahil may kapangyarihan ito sa pamamagitan ng expropriation na bilhin ang isang pribadong lupain kung kailangan ng gobyerno.

Ewan ko kung bakit hindi ito ginagawa ng local na pamahalaan. Baka naman nagkukunwaring may budget para lang sabihin na sila ay nagmamalasakit  at nais tumulong para masolusyunan ang classrooms shortage.

Mukhang binobola lang ng ilang opisyal ng gobyerno si P-Noy sa mga report nila na wala nang classrooms shortage. Kung ganito ang mangyayari, hindi mareresolba ang tunay na problema at kawawa ang mahihirap na pamilya na hindi ka-yang magpaaral sa private school.

 

AYON

CLASSROOMS

COMMUNICATIONS SECRETARY SONNY COLOMA

DEPARTMENT OF EDUCATION

DITO

DUMAMI

MAYOR HERBERT BAUTISTA

QUEZON CITY

SHORTAGE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with