^

Punto Mo

EDITORYAL - Pagbutihin na ang pagma-manage sa MRT

Pang-masa

WALA na sa puwesto si Metro Rail Transit (MRT) 3 general manager Al Vitangcol. Sinibak na siya dahil sa maraming akusasyon. Ngayong wala na si Vitangcol, dapat nang pagbutihin ang pagma-manage sa mass transport. Isaayos ang pamamalakad na hindi kailanman ginawa ni Vitangcol kaya bumabagsak ang MRT.

Magkaroon na ng leksiyon upang hindi naman malagay sa alanganin at hindi rin masakripisyo ang riding public. Sa panahon ng pamumuno ni Vitangcol labis na nahirapan ang publiko sa pagsakay sa MRT. Kulang ang coaches kaya hindi maisakay lahat ang mga pasahero. Nakatambak ang mga tao sa bawat stations at isang kilometro ang haba ng pila.

Ang Department of Transportation and Communications (DOTC) ang may sakop sa MRT kaya ito may kapangyarihan para magsagawa ng pagbabago. Lutasin ang kakulangan sa coaches. Noon pa nirereklamo ang mga lumang coaches subalit walang ginagawa ang nasibak na MRT chief para madagdagan ang mga ito. Tila ba wala siyang pakiramdam sa mga taong nakapila para makasakay ng MRT. Tila wala siyang alam kung paano ang operasyon ng isang mass transport.

Marahil naging okupado ang isipan ng dating MRT manager sa maraming bagay kaya walang nagagawang hakbang para mapabuti ang serbisyo ng MRT.

Maraming kontrobersiyang lumutang ukol kay Vitangcol, bukod sa umano’y pang-e-extort niya sa Czech diplomat ng $30 million, nabulgar din ang pag-aaward niya ng kontrata sa isang maintenance company na pag-aari ng tiyuhin ng kanyang asawa. Ang contract ay nagkakahalaga ng P517 million. Ginawa ang contract kahit walang bidding na naganap.

Maraming “kabulukan” na nangyari sa pamama-lakad ng MRT. Mabuti na lamang at bago ito tuluyang bumagsak, nabisto ang katiwalian at iba pang hindi kanais-nais na gawain.

vuukle comment

AL VITANGCOL

ANG DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

GINAWA

ISAAYOS

LUTASIN

MARAMING

METRO RAIL TRANSIT

MRT

TILA

VITANGCOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with