Uok (168)
“K UNG makakausap mo si Iluminado, sabihin mo sa kanya na gusto kong makipagbati sa kanya. Gusto kong makiÂpagkaibigan sa kanya katulad ng pagkakaibigan namin ni Renato. Sabihin mo rin ang kalagayan ko na minsan nang na-stroke. NagpapasaÂlamat ako sa Diyos at biÂnigyan pa ng isang pagkakataon na mabuhay,†sabi ni Basil. Seryosong-seryoso ang tinig nito.
“Opo. Sasabihin ko po.’’
“Pero huwag mo nang mababanggit ang nasabi ko sa’yo kanina. Yung tungkol sa pagkamatay ni LuningÂning. Yun ay suspetsa ko lang. Kuru-kuro ko lamang. Maaasahan ko ba, Drew?’’
“Opo. Maaasahan mo po ako na hindi ko iyon sasaÂbihin. Tayong dalawa lamang ang makaaalam.’’
“Salamat,†sabi ni Basil at tinapik-tapik si Drew sa braso. “Teka, kailan naman ang balak mong magtungo sa probinsiya?â€
“Wala pa po akong tiyak na araw. Pero siguro bago po matapos ang buwan na ito ay sasaglit ako. Kasi po, nabanggit ni Daddy na dalawin ko raw si Tiyo Iluminado dahil matagal na rin na hindi ako nakakapagbakasyon doon. Marami po kasing ipinadaÂdalang pasalubong si Daddy kay Tiyo Iluminado.’’
“Ganun ba? Talaga bang magpinsan ang daddy mo at si Iluminado?â€
“Mag-second cousin po sila. Pero sa magpipinsan ay sila lang ni Daddy ang closed. Yun pong si Renato ay hindi gaanong ka-closed ni Daddy.’’
“Ah. Sige kung matutuloy ka at magkausap kayo, ikaw na ang magkuwento ng mga napag-usapan natin. Para naman malinis ang pangalan ko.’’
“Opo. Gagawin ko po.’’
“Puwede ring silipin mo ang lote ko. Tingnan mo kung naroon pa ang ginibang bahay. Kasi sabi ko sa mga inupahan kong worker, alisin ang giniba at saka bakuran ng alambre. Bahala na kung ano ang maÂisip gawin dun ni Gab. Kay Gab ko na kasi ipapangalan ang titulo nun.’’
“Sige po. Masusunod po.’’
MAKALIPAS ang dalawang linggo, nagtungo sa probinsiya si Drew. Marami siyang pasalubong kina Tiyo Iluminado at Tiya EncarÂnacion. Hindi na siya nag-text sa mag-asawa. Sosorpresahin niya ang mga ito.
(Itutuloy)
- Latest