^

Punto Mo

‘Salat’ (Invisible people)

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SA kahabaan ng Bonifacio Drive sa Maynila kung saan isang dura lang ang layo sa Luneta Police Station at mga malalaking establishemento, nagkalat ang mga pulubi at palaboy na “salat.”

Nag-aabang ng mga mabibiktima sa mga bumababang pasahero ng dyip na galing sa loob ng Manila South Harbor.

 Ito ang mga pasaherong bagong dating, sakay ng mga barko galing sa mga probinsya. Alam ng mga “salat” kung kailan dumarating ang barko, anong oras, umaga man o gabi.

Ang mga “salat” ang grupo ng mga â€œmaliliit” na kriminal na nakatira at ginagawang palaruan ang lansangan para mabuhay.

Ikinukunsidera silang invisible people o hindi nakikita dahil sadya natin silang hindi pinapansin sa kanilang mga ginagawa.

Kaya naman, tumataas lalo ang kanilang kumpiyansa at galing na gumawa ng krimen sa lansangan.  

Gamit ang karton na pasimpleng pinantatakip sa mga pilit inaagaw na bag ng mga pasahero, mala-kidlat nilang naisasagawa ang kanilang modus.

Matagal nang namamayagpag ang aktibidades na ito ng mga grupo ng ‘salat.’ Hindi lang sa Pier 15 sa Maynila sila nagkalat.

Ang hubo’t hubad na katotohanan, ang mga “salat” na ito, ang sumasalamin kung anong uring lipunan mayroon tayo sa Pilipinas.

Panoorin ulit ang advance screening ng “Salat” mamayang alas-8:00 ng gabi sa bitagtheoriginal.com click “Bitag the New Generation.”

 

ALAM

BITAG THE NEW GENERATION

GAMIT

IKINUKUNSIDERA

KAYA

MANILA SOUTH HARBOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with