^

Punto Mo

EDITORYAL - Tapusin ang paghuhukay sa mga pangunahing kalsada

Pang-masa

SA Lunes ay umpisa na ng klase sa public school. Marami na namang motorista ang magdurusa sa buhol-buhol na trapiko. At lalo pang madadagdagan ang dusa sa mga darating na araw sapagkat nagpapahiwatig na ang pagsapit ng tag-ulan. Tuwing hapon, madilim na ang kalangitan at sala-salabat na ang matatalim na kidlat. At kapag sumapit ang tag-ulan, iisa lamang din ang ibig sabihin nito — magkakaroon na naman ng pagbaha sa maraming lugar sa Metro Manila­. Inaasahan na ang ganitong senaryo kung tag-ulan. Matagal nang panahon na problema ang pagbaha.

Maiiwasan naman ang trapiko at baha kung magkakaroon lamang ng political will ang mga namumuno sa pamahalaan. Taun-taon ay nangyayari ito pero tila walang sistema ang mga tanggapan ng pamahalaan na may responsibilidad dito.

Kung mayroon lamang magandang plano ang Depart­ment of Public Works and Highways (DPWH), hindi nila gagawin ang mga paghuhukay kung kailan tag-ulan. Pero dahil nga walang konkretong plano, sige lang sila nang sige sa paghuhukay sa imburnal, re-blocking at kung anu-anong pagtatapal sa mga pangunahing kalsada, partikular sa EDSA. Ang ganito ay dapat ginagawa sa panahon ng tag-araw at hindi sa tag-ulan. Kapag bumaha, aanurin lamang ang tinapal sa kalsada at tiyak na inanod din ang perang ginastos na galing din sa kaban ng bayan. Dahilan din ito ng trapik. Iniiwasan ng motorista ang mga hukay.

Sumasabay din naman sa paghuhukay ang May­nilad at Manila Water. Ang masaklap, iniiwanan nilang nakatiwangwang at walang signage o babala ang mga hukay na lubhang delikado sa mga motorista at mga tao.

Tapusin sana ang mga paghuhukay sa lalong ma­daling panahon para hindi magkaroon ng trapik, baha at kung anu-ano pang abala sa kalsada. Magkaroon sana nang mahusay na plano ang mga nakasasakop sa mga gawaing ito. Pagaanin ang buhay ng taumbayan kahit man lang sa trapik at baha.

DAHILAN

INAASAHAN

INIIWASAN

KAPAG

KUNG

MANILA WATER

METRO MANILA

PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with