^

Punto Mo

Uok (167)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“M ULA nang mangyari ang pagpapakamatay ng kaibigan kong si Renato ay namulat ako. Nagsisi ako at isinumpang hindi na makikipag­laro sa mga ‘anak ni Eba’. Tama na ang mga nangyari. Katapusan na iyon nang pakikipagrelasyon sa mga babaing may asawa…’’ sabi ni Basil na bahagyang gumaralgal ang boses.

“Pero ano po ang dahilan at namatay din si Luningning?”

“Wala na akong naging interes kay Luningning mula nang mamatay ito. Pero ayon sa mga narinig ko, posibleng pinatay daw si Luningning at saka itinapon sa ilog.’’

Gimbal si Drew.

“Sino po ang pumatay?’’

“Yan ang hindi na nalaman kung sino. Pero mayroon akong pinaghihi­nalaan.”

“Sino po?”’

“Si Tiyo Iluminado mo. Ito naman ay suspetsa ko lang. Kasi kaya ko nasabi iyon ay dahil galit na galit siya sa akin at dahil hindi niya ako napagtagumpayang patayin ay si Luningning ang ginantihan niya. Huwag kang magagalit Drew, dahil alam kong kamag-anakan mo si Iluminado. At pakiusap ko, tayong dalawa na lamang ang nakaaalam nito.’’

“Opo, Sir Basil. Pangako po na tayo lamang ang naka­aalam nito.’’

“Suspetsa ko lang naman ang lahat. Isa pang naisip ko, baka naman talagang nagpakamatay si Luning­ning makaraang mapag-isip-isip ang nagawa sa asawa. Nakonsensiya at tumalon sa ilog. May pasa raw sa batok si Luningning nang matagpuan. Misteryo kung bakit may pasa sa batok. Baka raw pinalo. May nagsabi naman na nang tumalon sa ilog ay tumama ang batok sa bato kaya nagkaroon ng pasa….’’

Malinaw na kay Drew ang lahat kung bakit galit na galit si Tiyo Iluminado kay Basil.

Pero hindi siya naniniwala na mapapatay ni Tiyo Iluminado si Luningning. Mabait si Tiyo Iluminado.

Ngayong nalaman na niya ang kuwento, balak niyang umuwi sa probinsiya at makausap si Tiyo Iluminado. Nasasabik na rin siyang makita si Tiyo Iluminado. Ikukuwento niya rito ang mga napag-usapan nila ni Sir Basil.

Nahalata naman ni Basil na nag-iisip si Drew.

“Ba’t natigilan ka Drew?”

“May naisip lang po ako, Sir Basil.’’

“Sana makausap mo si Iluminado at ipagtapat ang ‘lihim’ ni Luningning. Para naman malinis ang pa­ngalan ko.’’

(Itutuloy)

 

vuukle comment

BASIL

EBA

ILUMINADO

LUNINGNING

PERO

SI TIYO ILUMINADO

SINO

SIR BASIL

TIYO ILUMINADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with