Dobleng parusa sa rapist
SA Leigh, Greater Manchester, England ay may naninirahang isang 27-anyos na lasenggong lalaki na nagngangalang Richard Thomas. May babae siyang nagugustuhan na naninirahan maÂlapit sa kanyang tinitirhan. Palibhasa ay batid niyang wala siyang maipagmamalaki sa buhay, hindi niya maligawan ang babaeng lihim niyang hinahangaan. Magkakilala sila pero hanggang doon lang. Hi at hello lang ang batian nila. Minsan may nakapag-scoop sa kanya na ang babaeng ito pala ay may problema sa pagtulog kaya madalas na umiinom ng sleeping pills.
Isang gabing langung-lango na siya sa alak ay namataan niyang dumating ang babaeng crush niya mula sa trabaho. Nag-iisa lang itong naninirahan sa kanyang apartment. Biglang may nabuong plano sa kanyang isipan. Nagkubli siya sa isang lugar malapit sa apartment. Nakita niyang pinatay na ng kanyang crush ang lahat ng ilaw sa buong kabahayan. Ibig sabihin, matutulog na ito. Naghintay siya ng ilang oras. Nang sa tantiya niya ay tulog na ito, dali-dali siyang nagtungo sa bahay. Matapos baklasin ang kandado ng pintuan, nagtungo siya sa kuwarto ng babae. Tulog na tulog na ito. Ang alam niya, kapag umiinom ng sleeping pills ang isang tao, hindi agad-agad ito magigising kahit pa reypin ito.
Sinimulan niyang halayin ang natutulog na babae ngunit bigla itong nagising at nakilala siya. Mali ang teorya niya. Kahit pa lumaklak ng sleeping pills, nagising din ang babae. Nagtagumpay si Richard sa panghahalay dahil hinang-hina ang babae dulot ng sleeping pills.
Kinabukasan ng umaga ay ipinahuli ng babae si Richard. Inamin niya ang krimen at siya ay nakulong. Sa korte, sa kalagitnaan ng hearing, may ipinaalam sa kanya ang huwes. Ito raw ay tungkol sa panganib na hinaharap ng kanyang kalusugan. Kumunot ang noo ni Richard. Anong panganib ang tinutukoy ng huwes?
Huwes: Nais kong ipaalam sa iyo, Richard Thomas, na ang babaeng hinalay mo ay HIV positive.
Hinimatay si Richard Thomas. Nang matauhan ay nagmaÂkaÂawa sa korte na ipa-check up siya sa ospital upang matiyak kung nahawahan siya. Sa pinakahuling balita, walang nabanggit kung nahawa ba siya o hindi. Nasentensiyahan siya ng limang taong pagkakulong. Basta’t ang pinaplano niya ay idemanda ang babaeng hinalay niya. Bakit daw ipinaglihim nitong may sakit siya? Sana raw ay pinigilan siya ng babae noong gabing iyon at sinabihan siyang: May AIDS ako ’no! Speechless ang mga abogado. Ang tangi nilang nasabi kay Richard ay: Idiot!
- Latest