‘Heatstroke’
PINAPAALALAHANAN ang publiko. Mag-ingat sa heatstroke ngayong summer o tag-araw.
Dala ng matinding init ng panahon, marami ang inaatake ng heatstroke o severe dehydration na nauuwi sa kombulsyon at maaaring magresulta ng kamatayan ng isang indibidwal.
Nitong nakaraang Sabado, naitala ng Philippine AtmoÂspheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pinakamataas na temperatura o ang 36.7 degree Celsius.
Patuloy sa pagbibigay ng All Points Bulletin ang Department of Health at BITAG, maging alerto sa mga sintomas ng heatstroke.
Ilan sa mga senyales ang pagkahilo, pagtaas ng temperatura ng katawan, pamumula, panghihiÂna, mataas na lagnat, mabilis na pagtibok ng puso at pagkawala ng malay.
Kaya sa may mga tinataglay na karamdaman o pre-existing condition tulad ng high blood pressure, mabuting manatili na lang sa loob ng bahay, gusali o establisimento kung saan malamig ang temperatura.
Magsuot din ng mga maninipis na damit o akma lang sa panahon. Uminom ng maraming tubig, mag-ehersisyo, iwasan muna ang kape, tsa-a, softdrinks at alkohol.
Kung mayroong inaatake ng severe dehydration, lagyan agad ng basang bimpo o bulak ang kanyang kili-kili, singit, siko at sakong upang hindi mauwi sa kombulsyon.
Bagamat inaasahan na ito tuwing summer, mahalaga pa rin ang paalala at dobleng pag-iingat.
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapakinggan at napapanood tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.
- Latest