Diyeta (Part 1)
MAY narinig ka na bang namatay sa pagdidiyeta? Die-et yata ang nangyayari kapag hindi alam kung ano ang malinaw na layunin ng pagdidiyeta. Once and for all, ano ba talaga ang diyeta? Anu-ano ang mga maling pagdidiyetang ginagawa?
1. Hindi totoong fat makes you fat. Hindi naman ang fat ang nakakapagpataba. May mga tinatawag pa ngang good cholesterol o good fats tulad ng mga langis na matatagpuan sa mga mani, avocado at mga isda tulad ng salmon ay mabuti sa kalusugan. Ang masesebong taba mula sa mga cookies, junk food at mga pinirito etc ang masama sa puso.
2. Ang calories ay iba’t iba ang epekto sa katawan. Halimbawa, ang 50 calories mula sa saging ay iba sa 50 calories mula sa kapiranggot na cake. Mahalaga ang calories sa pagkokontrol ng dami ng ating kinakain pero hindi ito ang natatanging batayan para sa tamang nutrisyon.
3. Hindi dapat tanggalin ang carbs sa ating diyeta. Katulad ng fat, may good carbs din at bad carbs. Ang mga dapat iwasan ay ang kalabisan sa refined carbs tulad ng puting tinapay at puting kanin. Ito ang nagpapabigat ng timbang. Ang healthy carbs na dapat na kinakain ay ang wholegrains, prutas at gulay. Kapag mas mataas ang iyong pagkain ng mga madadahong gulay, mas maganda ang overall health.
4. Balansehin ang pagkain ng tatlong macronutrients - carbohydrates, protein at fat. Hindi puwedeng tanggalin ang isa sa tatlong iyan. Pero dapat mong itama ang kanilang ratio sa isa’t isa. Pinakamarami dapat ang protina, sumunod ang carbs at ang pinakakaunti ay ang fat. Hindi magigng epektibo ang iyong diyeta at tamang pagkain kung hindi balanse ang intake ng nutrients na ito.
5. Hinay-hinay sa pakikiuso sa mga gluten-free na tinapay at baked goods. Wala pang napapatunayang pag-aaral na ang gluten na matatagpuan sa mga tinapay ang responsable sa pagpapataba. Maraming sakit at deficiency ang maaaring matamo sa pagtanggal ng gluten sa diyeta. Kabilang na riyan ang kakulangan ng fiber, bitamina B12 at magnesium.
6. Huwag mag-eehersisyo nang gutom. Hindi ito makakatulong sa pagburn ng calories. Taba at carbs ang dapat na sinusunog hindi muscles. Ingat din sa pag-inom ng sports drinks. Dahil bagamat kailangan din ng ating mga kalamnan ng sugar, ang mga kalakip na iba pang additives ng mga sports drinks ay hindi mabuti.
- Latest