^

Punto Mo

15 aral mula kay Dalai Lama

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG Dalai Lama ang “highly revered religious official” ng Tibetan Buddhism. Ang posisyon niya ay kahalintulad ng Papa sa Roma. Narito ang mga aral na itinuro niya :

Pagkatapos ng kabiguan, kalimutan ang sakit ng naramdaman, ngunit huwag ang aral na natutuhan.

Laging sundin ang 3 R’s:  Respect for self, Respect for others, and Responsibility for all your actions.

Tandaan ninyo, suwerteng matatawag kung minsan, ang kabiguan mong makamit ang wish.

Pag-aralan mong mabuti ang mga patakaran, upang alam mo kung kailan, at paano mo ito susuwayin.

Huwag mong hayaang masira ang mabuting pagkakaibigan, dahil lang sa isang maliit  na away.

Kapag alam mong nagkamali ka, kumilos ka agad upang itama ito.

Bigyan mo ng pagkakataon ang iyong sarili na mapag-isa araw-araw.

Maging bukas para sa mga pagbabago ngunit panatilihin ang iyong pagpapahalaga sa mga kagandahang asal.

Minsan sa iyong pananahimik matatagpuan ang  sagot sa mga katanungan mo sa buhay.

Mamuhay nang may pagpapahalaga sa dangal ng iyong pagkatao. Pagtanda mo, magpapasalamat ka na ginawa mo ito.

Ang pagmamahalan sa tahanan ay pundasyon ng tahimik at maligayang pamumuhay.

Ituro mo ang iyong mga nalalaman sa ibang tao. Isang paraan ito upang manatiling buhay ang iyong alaala kahit sumakabilang buhay ka na.

Alagaan ang kalikasan.

Ang tagumpay ay nasusukat sa mga bagay na isinakri-pisyo mo upang makamit ito.

Ang taong hindi natatakot na magkamali ang nagtatagumpay sa pag-ibig at nagiging mahusay na kusinero.

 

vuukle comment

ALAGAAN

BIGYAN

HUWAG

ISANG

ITURO

IYONG

KAPAG

LAGING

TIBETAN BUDDHISM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with