Uok (161)
“LALAKI ako at naging mahina sa tukso. Sa pagkakataong iyon ay nalimutan ko ang pagkakaibigan namin ni Renato. Hindi ko na naalala ang aming ma-buting pagsasamahan na nagsimula pa ng aming kabataan.
“Natukso na rin ako kay Luningning. Hindi na ako nakaiwas pa. Sinalubong ko ang init ng kanyang katawan. Kung kaya niyang manukso kaya ko rin namang ipagkaloob ang hinahanap niya. Ipinakita ko kay Luningning ang husay sa pagpapaligaya sa anak ni Eba na katulad niya. Hindi ko tinantanan si Luningning. Ibinigay ko ang kailangan niya.
“Hindi kami nasiyahan sa pagtatalik sa kinaroroonan naming kuwarto at nagyaya si Luningning sa kanilang kuwarto. Mas maganda raw doon, sabi ni Luningning na para bang nagbabaga na ang katawan sa matinding pagkasabik. Sabi ko’y siya ang bahala. Wala akong tutol sa anumang gusto niya.
“Nagtungo kami sa kuwarto nila ni Renato. Malaki ang kuwarto. Malaki ang kama. Hindi ko na naisip na malaking kasalanan ang gagawin ko kay Renato dahil sa mismong kuwarto at kama pa niya kami magtatalik ng kanyang asawa. Wala na akong naiisip noon kundi ang matikman ang iniaalok ni Luningning. Iyon lamang ang nasa isip ko at wala nang iba pa.
“Doon sa kuwartong iyon kami nagpakalunod ni Luningning. Halos magliyab ang aming mga hubad na katawan sa tindi ng pagtatalik. Uhaw na uhaw si Luningning. Bakit kaya? Ganunman, hindi ko na iyon binigyang pansin. Ang kailangan niya ang inasikaso ko.
“Hanggang sa mangyari iyon. Biglang-bigla. Nasa kainitan kami ng pagtatalik nang biglang makarinig kami ng taong nagbukas ng pinto. Si Renato! Huling-huli kami! Naabutan kami sa mainit na tagpo.†(Itutuloy)
- Latest