^

Punto Mo

‘Sa suso nagkatalo’

- Tony Calvento - Pang-masa

“MARE, anong size ng bra mo?” tanong ng kaibigan.

“34 A lang…” mabilis niyang sagot.

“Eh bakit 36B ang inorder sa’kin ni Pare?” sambulat ng kumare.

Ganito umano unang nahuli ni Eloisa “Eloi”, Rubio 36 anyos ang kinakasamang si Charlie Almario o ‘Charie”, 46 anyos sa pambababae.

“Syempre nagkabukingan na kaya ng nalaman nung kumare kong 34A lang ako at ‘di 36B ang nasabi ko na lang, ‘Di yata sa akin yan!’”, ani Eloi.

Tatlo ang naging anak ni Eloi kay Charie. Taong 1999 ng magkakilala sila. Hindi nakapagtapos ng kolehiyo si Eloi kaya’t nagtrabaho na lang siya sa Gemini Exchange Int’l sa Quezon City. Isang foreign exchange company (door-to-door). Umalis din si Eloi sa kumpanya subalit madalas pa din siya bumisita dito para kitain ang kanyang mga kaibigan. Isang araw, habang nasa labas ng kumpanya nilapitan siya ni Charie—messenger ng Gemini. “Ma’am kayo pala yan, kamusta po kayo?” sabi nito. Hindi daw kilala ni Eloi nun si Charie kung ‘di pa ito nagpakilalang katrabaho niya. Maya-maya biglang tumawid si Charie sa Jollibee. Pagbalik nito bitbit na niya ang isang ‘champ buger’ at inalok sa dalaga. Tumanggi si Eloi at umalis kasama ang mga dating katrabaho. Nalaman ni Eloi na magkaibigan pala si Charie at tiyuhin na nagtatrabaho din sa Gemini. Mula nun kasakasama na nila si Charie sa ‘pag magvivideoke. Dito siya sinimulang pormahan ni Charie. Galante si Charie, binigyan siya nito ng mamahaling payong ng minsang nabasa si Eloi sa ulan. Nililibre din siya nito sa mga ‘restaurants’. Hanggang maging sila nung Ika-18 ng Mayo 2002.

“Nagtaka ako bakit 30 anyos na siya wala pa siyang asawa. Nung tanungin ko sabi niya may naging asawa siya, nasa Canada na. May anak siya dito,” ani Eloi. Nabigla si Eloi sa mga inamin nito lalo na ng malaman niyang pang-anim na daw siya sa mga babaeng dumaan dito sa lalake. “Sa galit ko binuhusan ko siya ng ihi at pinalo ng yantok pero kahit ganun sa pagli-live in pa rin kami nauwi. Kasi mahal ko,” pag-amin ni Eloi. Taong 2003, nagsama sila at nangupahan sa Pasay. Sa Rustans, Makati nagtrabaho bilang promodiser si Eloi habang nalipat naman sa ibang branch ng Gemini si Charie… sa Nueva Ecija. Minsan daw lang siya kung uwian ni Charie. Taong 2006, nabuntis si Eloi. Nang makapanganak, lumipat sila sa Pasay. Sa Cavite naman na-assign si Charie bilang messenger. Dito niya umano nakilala ang biyudang si Catherine---staff daw sa isang ospital sa Cavite. Mismong kumpare daw nila Eloi ang nagsumbong na may babae ang mister. Isang ‘Josphine’ daw. Hinayaan muna ito ni Eloi kahit nalaman niyang umorder ng bra i si Charie sa kumare na ‘di naman niya kasukat, di hamak mas malaki. “Ayokong maniwala pero malaki pinagbago niya. Nagsimula siyang magmura ‘di na siya nagbibigay ng pera gusto niya puro grocery,” ani Eloi. Nagdesisyon na si Eloi na pumunta sa nasabing ospital at hinanap ang babaeng si ‘Josephine’. Dito niya nalamang hindi pala Josephine ang pangalan nito… Catherine. Kliyente daw dati ni Charie. Minsan siyang nag-deliver ng pera sa babae galing sa ibang bansa… pati number kinuha na daw nito. Nagwala si Eloi sa tapat ng ospital kaya’t napilitan si Charie na iharap si Catherine sa kanya. “Ate, ‘di ko bf si Kuya!” sabi daw ni Catherine. Todo tanggi daw ang dalawa subalit nung minsan nahuli daw niya itong nakaangkas kay Charie at nagdi-‘date’ umano.

“Natanggal siya sa trabaho dahil ginamit daw niya ang P3,000 ng kumpanya siguro binigay niya sa babae niya,” ayon kay Eloi. Mula  nun si Eloi na ang nagtrabaho hanggang maging tatlo na ang kanilang anak. Nakapagtayo ng ‘grocery’ si Eloi sa Balara. Si Charie ang bantay dito. “24 oras bukas yun. ‘Pag siya bantay nawawala ang pera pati siya nawawala, pagtapos ng 15 araw saka siya babalik,” ani Eloi. Nagsara ang kanilang tindahan. Lumipat sila sa Camarin. Dito na namasada ng ‘taxi’ si Charie. Nasa P50 -P100 lang daw ang perang binibigay nito. Bumagsak ang pamumuhay nila Eloi. Nawalan siya ng trabaho kaya’t nakitira na lang sila sa Bulacan. ‘Di na naging maganda ang trato sa kanya ng asawa. “Nung kakapanganak ko pa lang tinulak niya ko ng malakas niya. Yung tuhod ko ngayon tumitiklop na lang bigla-bigla,” ani Eloi. Desyembre 22, 2013 lumipat sila sa Addition Hills. Panibagong buhay ang inaasahan ni Eloi nun dahil nalaman niya hiwalay na daw si Charie at Catherine. Umupa sila sa ibabang bahay ni Zorena, 35 anyos hiwalay sa asawa.  Napansin daw niyang malagkit ang tinginan ng dalawa. Sabay din umano ang oras ng uwi at labas ng kanyang asawa ng at landlady. Pareho din ang bitbit nilang pasalubong parang pareho daw sila ng pinanggalingan. Ilang beses na niyang tinanong si Charie kung may namamagitan sa kanila ng landlady. Wala ang laging sagot nito. Nitong huli, 1:00AM, bumangon si Eloi at lumabas para umihi. Pagbukas ng pinto ayon kay Eloi, nakita niyang magkasama sa loob si Charie at landlady.

“Hindi ko na alam kung saan ko nadamapot ang ballpen na hawak ko pero pinagsasaksak ko sa braso ng asawa ko yun! Kumaripas naman ng takbo ang babae. ‘Nagkasabay lang kami…’ sabi ng asawa ko,” kwento ni Eloi. Nireklamo daw si Eloi sa barangay dahil sa pangyayari ito. Mula nun umalis na ng bahay ang kanyang asawa at ‘di na nagpakita. Hindi na rin daw umuwi si Zorena. Nalaman ni Eloi na nasa Addition Hills din si Charie sa pinsan nito. Nitong huli bumalik sa’min si Eloi at sinabing nagpang-abot  umano sila ng landlady at humantong sila sa sakitan.

Gustong malaman ni Eloi ang ligal na hakbang maaring gawin laban sa asawa kaya’t nagsadya siya sa amin. Itinampok namin siya sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ng DWIZ882KHZ (Lunes-Biyernes mula 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, di man kasal si Eloi kay Charie, mahigit isang dekada nilang pagsasama na nagkaroon sila ng anak, dahil ayon na rin kay Eloi na nakapirma naman itong si Charie sa birth certificate ng mga bata bilang ama at inacknowledge niya ang mga ito maari niyang sampahan ng kasong R.A 9262, Petition for Support itong si Charie. Kung totoo nga lahat ng kwento sa amin ni Eloi, mambabae ka na hangga’t gusto mo Charie pero ‘wag mong basta iwan kay Eloi ang responsibilidad mo sa inyong mga anak.

Bilang tulong ni-refer naming si Eloi sa Public Attorney’s Office, Mandaluyong para maasistehan siyang makapagsampa ng kaukulang reklamo.

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landline 6387285 / 7104038.

 

CHARIE

DAW

DITO

ELOI

LANG

NITO

NIYA

SILA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with