^

Punto Mo

Uok (158)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HALOS lahat yata ng tao sa barangay ay galit sa akin dahil ang akala nga ay ako ang dahilan kaya nagpakamatay si Renato. Kumalat nga kasi ang balita na “binabae” ko ang asawa ni Renato. Ikinalat iyon mismo ni Iluminado. Bawat makausap niya ay sinasabi na wala akong kuwentang tao. Pati asawa ng matalik na kaibigan ay pinakialaman. Hanggang sa lahat yata ng mga taga-barangay ay nalaman iyon at ako ang pinagbuntunan ng sisi. Maraming naga­lit sa akin. Nakisimpatya sila kay Iluminado na namatayan ng kapatid. Noong una ay napabalitang nalunod si Renato dahil tumawid daw ng lasing. Patay na nang matagpuan at lulutang-lutang sa Ilog ng Pola. Pero sumunod na araw ay biglang kumalat ang balita na hindi nalunod si Renato kundi nagpakamatay ito. At alam mo ba Drew kung kanino nanggaling ang balita?’’

“Kanino po, Sir Basil?”

“Kay Tiyo Iluminado mo. Sa isang iglap, kumalat ang masamang balita at ako ang lumabas na masama.’’

“Sabi po ni Tiyo Iluminado, wala raw kapatawaran ang ginawa mo sa buhay ng kapatid niya at asawa nito. Kaya nga ‘UOK’ ang tinawag sa’yo. Wala ka raw iginagalang na kahit asawa ng kaibigan ay pinakikialaman.’’

Napailing-iling si Sir Basil.

“Hindi totoo ‘yun, Drew. Ako, kapag nakipag­kaibi-gan, tapat talaga. Hindi ko iiwanan at hindi ko wa­wa­langhiyain. Ang hindi alam ni Iluminado, si Luningning na hipag niya ang nagpakita ng motibo. Tinukso ako para kami magtalik. Alam mo ba ang ginagawa niya para ako maakit?”

“Ano pong ginagawa?’’

“Nagpapakita siya nang maseselang bahagi ng katawan kapag nag-iisa kami sa bahay. Madalas kaming maiwan dahil nagtatrabaho sa munisipyo si Renato. Tinukso ako ni Luningning!”

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ALAM

ILUMINADO

KAY TIYO ILUMINADO

LUNINGNING

RENATO

SIR BASIL

TINUKSO

TIYO ILUMINADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with