Ngayon, alam mo na…
Iba’t ibang sushi:
Nigiri Sushi: ang raw fish ay nasa ibabaw ng oval shaped ball of rice.
Maki Sushi: nasa gitna ng nakarolyong rice ang maliit na piraso ng tuna at gulay.
Temaki: Kagaya ng maki pero sa halip na pabilog, ang rice at fish ay nakabalot sa cone shape na nori.
Sashimi: isda na hiniwa ng manipis at kinakain ng hilaw. Walang kasamang sushi rice. May sawsawang toyo at wasabi.
Tips sa pagkain ng Nigiri Sushi:
Una mong kainin ay white fish, halimbawa, bakoko or maya-maya. Mag-umpisa dapat sa isdang may light flavor.
Isunod ang silver fish (isdang silver ang kulay ng balat)
Red fish na hindi fatty. Halimbawa ay tuna na hindi fatty, hiniwa sa bandang ibaba ng tiyan patungo sa buntot.
Ang isunod ay iyong may heavy flavor kagaya ng salmon at fatty tuna, hiniwa galing sa tiyan or panga.
Ang maki or temaki ay kadalasang kinakain sa umpisa o kung tapos na sa pagkain ng nigiri.
Ang tamago or sweet egg sushi ay kinakain sa katapusan bilang dessert.
Chopstick Etiquette
Kung ikaw ay nasa Japanese restaurant, mali na pagkiskisin mo ang chopsticks matapos mo itong paghiwalayin mula sa pagkakadikit. Kapag ginawa mo ito, para mo na rin sinabi sa chef na “Cheap ang inyong utensilsâ€.
May mga taong pinagkikiskis nila sa isa’t isa ang chopsticks bago gamitin para matanggal ang splinter, kung meron man. Bastos na raw kung bastos pero may magagawa raw ba ang chef kung masalubsob ng splinter ang kanyang bibig?
Tama lang magkamay kung ayaw mong gumamit ng chopstick dahil kinakamay naman talaga ang sushi. Sashimi ang nangangailangan ng chopstick.
Paano Isasawsaw ang Nigiri Sushi sa Toyo?
Bago isawsaw, baliktarin muna ang sushi—ang fish fillet ang nasa ilalim at ang rice ang nasa ibabaw. Bahagyang idampi ang fish sa toyo at saka isubo nang nasa ilalim ang fish. Kaunti lang ang sawsaw para hindi matalo ng toyo ang lasa ng isda.
Para saan ang pickled ginger?
Ang atsarang luya ay kinakain bago kainin ang panibagong flavor ng sushi. Hinuhugasan ng luya ang dila upang hindi maghalo-halo ang lasa ng mga kinain.
Ano ang gagawin kung napasobra ang wasabi at halos “masunog ang dila†sa sobrang anghang?
Bilisan ang paghinga sa ilong. Huwag sa bibig. Mas mabilis matatanggal ang “burning sensationâ€.
Kung ano’t anuman at ayaw ninyong sundin ang tips na nabanggit, kainin na lang ninyo ang sushi nang naaayon sa gusto ninyong paraan. Enjoy!
- Latest