^

Punto Mo

Uok (155)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NAGING matalik na magkaibigan kami ni Renato noong nasa Grade 6 pa kami at hanggang mag-high school. Palibhasa’y magkapitbahay kaya lagi kaming magkasama. Kapag may pupuntahan siya ay lagi akong isinasama. Mahiyain kasi si Renato. Madalas ay nasa kanilang bahay ako. Palibhasa’y malapit nga lang ang bahay nila sa bahay namin.’’

“Tumira ka po pala sa probinsiya, Sir Basil?”

“Oo. Marami kaming lupa noong araw sa probinsiya dahil ang tatay ko ay maganda ang trabaho sa PNR. Nakabili siya ng mga lupain doon. Isa nga sa nabili niyang lote ay yung malapit sa lote ni Iluminado na ka­patid ni Renato.’’

“Hindi po nasabi ni Tiyo Iluminado na tumira pala kayo roon at malaki pala ang lupain n’yo dati.’’

“Kasi nga malaki ang galit niya sa akin dahil sa ginawa ko sa kapatid niyang si Renato.’’

“Pero alam po niya na ma­talik na magkaibigan kayo ng kapatid niyang si Renato.”

“Oo. Madalas nga niya akong makita sa bahay nila kapag may ginagawa kaming assignment ni Renato. May asawa na kasi si Iluminado nang panahong iyon at may sariling bahay. Dumadalaw-dalaw lang siya sa lumang bahay­ ng mga magulang. Mabait si Iluminado at lagi akong binabati.’’

“Ano pong nangyari sa inyo ni Renato?’’

“Nang ma­katapos kami ng high school, ipinasya kong lumuwas na ng Maynila para doon mag-aral. May bahay din kami sa Maynila kaya walang problema. Si Renato ay sa Maynila rin nag-aral. Kumuha siya ng Education.Habang nag-aaral, nagkaroon siya ng kasintahan. Maganda ang kanyang kasintahan. Simpleng babae at simpleng manamit. Mabait din.

“Sabi ko kay Renato, masuwerte siya at nakadagit ng maganda at mabait na babae. Sabi niya, marami rin naman daw akong siyota. Sabi ko’y hindi kasingganda ng kasintahan niya.

“Tawa nang tawa si Renato dahil halatang inggit na inggit ako sa kanya. Maghanap din daw ako para hindi mainggit.

“Hanggang sa mag­pa­kasal ang dalawa. Abay pa nga ako. Inggit na inggit pa rin ako kay Renato. Hanggang sa ipasya nina Renato na sa probinsiya na tumira. Mas maganda raw sa pro­binsiya kaysa Maynila.

“Kaya nang nakatira na sila sa probinsiya, madalas din ako sa kanila. Laging umuuwi at sa kanila natutulog…”

(Itutuloy)

vuukle comment

BAHAY

HANGGANG

ILUMINADO

MABAIT

MADALAS

MAYNILA

OO

RENATO

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with