^

Punto Mo

Mga ahas sa Indonesia, ginagamit na pangmasahe

- Arnel Medina - Pang-masa

PINIPILAHAN sa Indonesia ang isang spa na nagbi­bigay ng kakaibang serbisyo sa mga parukyano nito: Pagagapangin sa iyo ang mga malalaking sawa na magmamasahe sa kahit anong parte ng iyong katawan. Ang halaga ng masahe: $43 dollars o P1,900.

Ang isa sa mga customer ng spa na sumubok ng kakaibang masahe ay si Feri Tilukay, na naka-shorts lamang nang pakawalan ang tatlong malalaking python na ‘magmamasahe’ sa kanya. Ayon kay Feri, kakaiba ang pakiramdam na may mga anim na talampakang ahas na gumagapang sa kanyang katawan. Unang gumapang ang mga ito malapit sa kanyang leeg at pagkatapos ay unti-unting nagpunta papunta sa kanyang tiyan.

Habang ginagapangan naman si Feri ng kanyang mga ‘masahista’ ay may dalawang totoong masahista ang nakabantay sa kanya upang masigurado ang kanyang kaligtasan. Para mas lalong masigurado ang kaligtasan ng kanilang mga customer ay tinatalian din nila ng masking tape ang mga bibig  ng mga ahas upang maiwasan ang panunuklaw ng mga ito.

Limang sawa ang inaalagaan ng spa para sa pangmasahe. Dahil sa malalaki ang mga ito, isang buong kuneho ang ipinapakain nila sa kanilang mga alaga. Nililinisan nila ang mga ito ng anti-septic na pamunas upang mapanitili ang tamang hygiene sa kanilang spa.

Isa pa lamang si Feri sa mga parukyano na dumadayo sa nasabing spa para maranasan ang masahe mula sa mga sawa. Bagamat kaunti lamang ang mga Indonesian na katulad ni Feri na sumusubok sa kakaibang serbisyo, karamihan sa mga nagpapamasahe sa mga sawa ay mga banyagang naakit sa kakaibang gimik ng spa.

Kung halos lahat ng mga customer ng spa ay naghahanap lamang ng thrill, may ilan ding katulad ni Feri na nagpapamasahe upang mawala ang takot nila sa ahas. Ayon kay Feri, dati-rati raw ay matindi ang phobia niya sa mga ahas ngunit matapos ang paulit-ulit niyang pagpapamasahe sa mga sawa ay hindi na siya natatakot sa mga ito.

Hindi naman ikinatuwa ng mga grupong nangangalaga sa karapatan ng mga hayop ang paggamit sa mga sawa bilang masahista, na ayon sa kanila ay isang uri ng pang-aabuso sa hayop. Pinabulaanan naman ng spa ang paratang at ayon sa kanila, nage-enjoy pa nga ang mga sawa sa paggapang nila sa katawan ng kanilang mga customer.

AYON

BAGAMAT

DAHIL

FERI

FERI TILUKAY

HABANG

SAWA

SPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with