^

Punto Mo

‘Thrill killer’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HINDI garantiya ang disenteng lugar o komunidad na ligtas na ang isang indibidwal sa mga masasamang elemento o mga taong halang ang bituka.

 Nitong Sabado, limang katao ang pinaniniwalaang sunod-sunod na pinagbabaril ng dalawang “thrill killer” sa Quezon City.

 Naglalakad lang umano ang mga biktima ng sunod-sunod na tinira ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek.

 Hanggang ngayon, lito pa rin ang mga awtoridad sa motibo ng pamamaril, identipikasyon at pagkakakilanlan ng dalawang suspek na naunang pinaniwalaang “riding in tandem.”

 Ang “thrill killer” ay ang mga putok sa buhong indibidwal na basta-basta nalang pumapatay kung ano at kung sino ang kanilang makursunadahan, tao man o hayop ng walang kalaban-laban.

 Para sa mga kolokoy, ang buhay ay walang halaga na kung gusto nilang patayin ang kanilang matipuhan, maaari nilang barilin anumang oras nilang gustuhin.

 Ang kasalanan lang ng mga biktima kung mayroon man tulad nitong sa Quezon City, sila ang nakita ng mga kriminal at natyempuhan.

 Hindi tayo nakakasiguro sa mga taong nakakahalubilo natin araw-araw. Hindi tayo nakatitiyak na baka ang kausap natin ay may tagas ang kukute na bigla nalang maghurumentado at basta nalang mamaril.

 Hindi layunin ng BITAG na manakot. Sa halip pinag-iingat lang ang publiko na posibleng mabiktima rin ng mga gumagalang putok sa buhong thrill killer.

 Sa mundong ito, gaano man kaayos ang ginagalawan ninyong mundo o besinidad, huwag papakampante o pakakasiguro. Mayroon talagang mga taong gagawa ng krimen anumang oras nilang gustuhin. Ang mali mo lang, ikaw ay nasa maling lugar at sitwasyon.

 Laging maging ‘lerto sa lahat ng pagkakataon. Mag-ingat, mag-ingat.

• • • • • •

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapakinggan at napapanood tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABANGAN

HANGGANG

LAGING

MAYROON

NITONG SABADO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with