^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag palayain, mga mangingisdang Intsik!

Pang-masa

NAG-DEMAND ang Chinese government na paka­walan ng Philippine authorities ang kanilang 11 mangingisda na hinuli sa Half Moon Shoal sa Spratlys sa Palawan noong Huwebes. Ang Half Moon Shoal ay sakop ng Pilipinas. Pero sa halip na palayain, sinampahan ng kaso ng PNP sa Palawan noong Biyernes ang 11 mangingisdang Intsik dahil sa paglabag sa Republic Act 8550 (Fisheries Code) kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang paghuli ng endangered species. Bukod sa RA 8550, sinampahan din ang 11 mangingisda ng paglabag sa RA 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act).

Nararapat lamang ang ginawa ng mga awtoridad na pagsasampa ng kaso sa mga mangingisdang Intsik na walang awa sa paghuli sa mga endangered na pawikan at iba pang lamandagat. Nang pasukin ng mga awtoridad ang barkong pangisda ng mga Intsik, nakita roon ang 555 pawikan na ang iba ay patay na. Ang ilan ay kinakarne na umano nang sabatin ng mga awtoridad. Ang natira na lamang ay 177 na pawikan na mga naghihingalo na kaya pinilit maisalba. Ibinalik ang mga ito sa dagat. Ang mga patay na pawikan ay nagbigay nang masangsang na amoy. Hindi pa malaman kung paano ililibing ang mga patay na pawikan.

Makaligtas man ang mga walang awang mangi­ngisda sa kaso ng paghuli sa endangered species, hindi pa rin sila makakalusot sa pag-uusig sapagkat pumasok sila sa exclusive economic zone ng Pilipinas. Malinaw na pag-aari ng Pilipinas ang Half Moon Shoal sapagkat napakalapit nito (62 miles) mula Palawan samantalang 750 miles ang layo nito sa China.

Bulukin sa bilangguan ang mga Intsik na walang awang humuhuli at pumapatay sa endangered species gaya ng pawikan at pinagkakakitaan. Huwag silang kaawaan. 

 

vuukle comment

ANG HALF MOON SHOAL

FISHERIES CODE

HALF MOON SHOAL

INTSIK

PALAWAN

PILIPINAS

REPUBLIC ACT

WILDLIFE RESOURCES CONSERVATION AND PROTECTION ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with