^

Punto Mo

100 Paraan Para Makatulog (Last part)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

86. Kung hindi mapilit ang sarili na makatulog ng 8 oras, sika-   ping matulog kahit 7 oras. Ang natutulog ng 6 na oras o mas mababa pa ay delikadong magkasakit sa puso, diabetes at hypertension.

87. Mag-tai chi—Asian meditation. Ayon sa research, nakakahimbing ito ng tulog.

88. Maglakad at least 6 blocks araw-araw. Natuklasang nakakahimbing din ito.

89. Marami ang sumusumpa na ang “sex” ay nakakapagpahimbing ng tulog.

90. Uminom ng melatonin supplement. Magtanong sa iyong doctor tungkol dito.

91. Ang amoy ng orange ay nakakaantok at nakapagpapakalma.

92. Magpamasahe.

93. Nakakabawas ng paghihilik ang pagkanta ng 20 minuto araw-araw.

94. Matulog at gumising ng parehong oras sa tuwina. Nasasanay ang iyong mata kung kailan aantukin at kailan ka gigising.

95. Gamitin lang ang bedroom para sa pagtulog at sex. Alisin ang TV, computer, exercise gadget, etc.

96. Tigilan ang paninigarilyo dahil ang nicotine ang humahadlang sa mahimbing na pagtulog.

97. Pansinin ang minor problem: baka naman maliit para sa inyong mag-asawa ang bed at kaya hindi  komportable ang inyong pagtulog.

98. Baka sa laman ng unan ang iyong problema—may allergy ka sa bulak, feather o sa himulmol ng tela.

99. Kumain ng pagkaing mataas sa amino acid tryptophan—ito ang pagkaing nakakaantok—dairy product; soy products; soy products; sunflower seeds; mani; oatmeal at carbohydrates.

100. Manood ng teleseryeng mababa ang TV audience rating. Tiyak, aantukin kayo.

 

vuukle comment

ALISIN

AYON

GAMITIN

KUMAIN

MAGLAKAD

MAGPAMASAHE

MAGTANONG

MANOOD

MARAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with