^

Punto Mo

Uok (149)

Ronnie M. Halos - The Philippine Star

“HUWAG na muna na-ting pag-usapan ang nangyaring iyon, Drew at nakukonsensiya ako. Kahit na nagsisi na ako sa nangyaring iyon ay may nararamdaman pa rin akong saksak sa konsensiya. Kasi nga, kaibigan ko yung si Renato…’’ sabi ni Basil at na­pabuntunghininga.

“Hindi nasabi sa akin ni Tiyo Iluminado na kaibigan mo si Renato. Bakit kaya hindi niya sinabi sa akin?’’

‘‘Baka nalimutan lang niya. Kasi nga’y ang galit ang nangingibabaw sa kan­ya. Walang kapatawaran ang ginawa ko sa kanyang kapatid.’’

‘‘Talagang mahal na mahal niya ang kapatid na si Renato. Para nga pong nasabi niya na kapag nakita ka ay baka kung ano ang magawa sa’yo.’’

‘‘Iyon nga ang dahilan kaya ayaw kong umuwi roon. Iniiwasan kong may mangyari. Akalain mo bang pinsan mo pa pala si Iluminado. Maliit talaga ang mundo.’’

“Mabuti nga po huwag ka nang umuwi sa probinsiya at baka kung ano lamang ang mangyari.’’

‘‘At saka wala na naman akong uuwiang bahay dun di ba dahil pinagiba ko na.’’

“Oo nga pala. Nung umuwi ako, giba na ang bahay na da-ting tinirhan ni Gab.’’

“Oo. Wala na akong balak magtungo roon. Bahala na kung anong mangyari sa lupa. Hindi naman mawawala yun. Kasi kaya ko ipinagiba ay baka maging mitsa lamang ng sunog. Kasi lumang-luma na ang bahay na mahagisan lamang ng upos ng sigarilyo ay sisiklab na.’’

‘‘Pero nagtataka rin po si Tiyo Iluminado at biglang giniba. Dalawang tao ang gumiba.’’

“Oo. Yun ang utos ko.’’

Natigil ang usapan ng dalawa nang biglang lumapit si Gab. Nakangiti ito nang may itanong sa kanyang daddy. Hindi akalain ni Basil na magtatanong nang gayun ang anak.

“Daddy alam kong ang mga ikinukuwento mo kay Drew ay tungkol sa mga naging karelasyon, pero kahit minsan wala kang naikukuwento tungkol kay Mommy. Ikuwento mo nga sa amin.’’

Nakangiti si Basil nang sumagot. ‘‘Espesyal sa lahat ang mommy mo, Gab. Hindi ko siya malilimutan.’’

(Itutuloy)

 

vuukle comment

AKALAIN

BAHALA

BAKIT

KASI

NAKANGITI

OO

RENATO

TIYO ILUMINADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with