^

Punto Mo

Kaalaman sa Hepatitis B

MD - Dr. Willie T. Ong - The Philippine Star

Dear Dr. Ong, noong 1998, nalaman ko po na may Hepatitis B ako. Hanggang ngayon ay positibo pa rin ako sa Hepatitis B. Sinisisi ako ng Misis ko dahil nakuha ko daw ito sa pagtatalik sa ibang babae. Sa tingin ko, galing ito sa aking trabaho bilang tagabigay ng first aid. Balak ko na mag-trabaho sa abroad. Gagaling pa ba ako? Umaasa, Jaime.

Sa mga may Hepatitis B, huwag kayo gaanong mangamba. Kaya natin labanan ito sa pamamagitan ng tamang kaalaman. Alam n’yo ba na 11% ng mga Pilipino ay may Hepatitis B? Karamihan sa kanila ay walang nararamdaman.

Ang Hepatitis B ay isang virus na tinatamaan ang ating atay. Makikita ang virus sa dugo, laway, semilya at regla ng isang taong may Hepatitis B. Kadalasan, ang Hepatitis B ay panghabambuhay.

Nakukuha ang Hepatitis B sa 3 paraan: (1) napasa ito ng nanay natin noong tayo’y pinanganak, (2) nakipagtalik o nahawa sa isang taong may Hepatitis B, at (3) nasalinan ng dugo na may Hepatitis B.

Paano lalabanan ang Hepatitis B?

Una, umiwas sa alak. Nakasisira ito ng atay. Pangalawa, huwag basta iinom ng mga gamot o herbal supplements. Ipaalam muna sa doktor. May mga gamot na puwedeng makasira ng atay.

Pangatlo, healthy at clean living ang kailangan. Kumain ng masustansya. Matulog ng 7-8 oras. Huwag abusuhin ang katawan sa sigarilyo at puyat. Huwag din masyadong magpagod. Relax lang at palakasin ang katawan. Puwedeng mag-ehersisyo 3-5 beses bawat linggo.

Paano mag-iingat ang mga taong malapit sa pasyenteng may Hepatitis B?

Ang dugo ng isang Hepatitis B carrier ay nakahahawa. Huwag gumamit ng pang-ahit, toothbrush, nail clippers at kutsara ng isang may Hepatitis B.

Sa mga mag-asawa, siguraduhing protektado na ang iyong partner sa Hepatitis B. Ang ibig sabihin ay positibo na siya sa Hepatitis B antibody (proteksyon ang antibody sa virus ng Hepatitis B). Kung hindi sigurado, gumamit ng condom sa pagtatalik.

Ang mga buntis na may Hepatitis B ay dapat din magsabi sa kanilang doktor. May mga bakuna ngayon na tinuturok sa sanggol para hindi ito mahawa sa Hepatitis B.

May gamot ba ang Hepatitis B?

Oo, may mga mamahaling gamot para sa Hepatitis B, tulad ng Interferon at Lamivudine. Umaabot sa ilang libong piso ito. Depende sa examination ng dugo, may mga pasyente na puwedeng matulungan nitong mga gamot. Kumunsulta sa isang gastroenterologist.

Ngunit kung gipit kayo sa budget ay puwede naman daanin na lang sa healthy at clean living. Mabisa rin ito at mura pa. Good luck po.

 

ALAM

ANG HEPATITIS B

BALAK

DR. ONG

HEPATITIS

HEPATITIS B

HUWAG

PAANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with