^

Punto Mo

Q and A sa pangangalaga sa mata at nearsightedness (Part 2)

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

Paano matitiyak kung grabe na ang pagiging nearsighted?

Kung mild lamang ang pagiging nearsighted, malinaw pa ring nakakakita ng mga bagay kahit ilang metro ang layo nito. Pero kung severe o grabe ang pagiging nearsighted, ang malinaw lamang niyang nakikita ay ang mga bagay na ilang pulgada lamang ang layo sa mata

Namamana ba ang myopia­?

Sinasabing nasa lahi ang pagkakaroon nito.  Madalas na natutuklasan ang pagiging nearsighted sa mga bata: mula sa batang nasa school age hanggang sa mga tinedyer. Ang pagbabago sa paningin ay puwedeng bigla o dahan-dahan lang at posibleng lumala kung di aagapan. Mas dumami ang taong nearsighted dahil sa araw-araw nilang paggamit ng computer.

Mawawala pa ba ang pagiging nearsighted?

Hindi na. Nilalapatan na lamang ng tamang lente (corrective lens)  ang mata ng isang myopic upang muling luminaw ang kaniyang paningin at upang hindi na lumala pa ang grado ng kaniyang mata.  Maiging magpasuri sa isang ophthalmologist, isang doktor na espesyalista sa mata. 

Paano malalaman kung ang pananakit ng ulo ay dahil sa mga mata?

Posibleng may kaugnayan ang pananakit ng ulo at ang nagbabagong kondisyon ng ating mata. Kung napapansin natin na kagya’t nananakit ang ating ulo sa maikling panahon pa lamang ng pagbabasa, maiging ipasuri na ang ating paningin. Per­sonally, kung dati-rati’y nakakaya kong magbasa ng libro kahit ilang oras pa, napansin kong parang wala pang 30 mi­nutong pagbabasa ay nananakit na ang aking ulo. Nang ipasuri ko ang aking mata, noon ako na-diagnose na myopic.  Mula noon, nagsimula na akong gumamit ng salamin sa mata.

KUNG

MADALAS

MAIGING

MATA

MAWAWALA

MULA

NAMAMANA

NANG

PAANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with