Mga tunay na kuwento ng Karma
Ang Bonggang Kasalan
SIYA ang poging groom na nakatakdang ikasal nang araw na iyon. Dapat sana ay masaya siya ngunit kabaliktaran ang naÂdadama niya—lungkot at galit. Inayos niya ang sarili. Naghihintay ang kanyang mahal na bride sa Clemson University kung saan gaganapin ang marangyang kasalan. Hindi dapat siya ma-late. Nag-loan siya sa banko para gastusin sa kasalan ngunit na-delayed ang bank approval kaya pumayag ang nobya na kanya munang credit card ang gagamitin sa lahat ng gastusin, mula wedding reception hanggang plane ticket para sa honeymoon.
Masaya ang naging kasalan kaya bilang pasasalamat ng groom sa mga bisita ay may ini-announce siya:
“Mga kaibigan maraming salamat sa inyong pagdalo sa aming pag-iisang dibdib. Bilang pagtanaw ng utang na loob, mayroon akong sorpresa sa inyo. Sa ilalim ng inyong mga upuan ay may nakadikit diyan na envelope. Maaari na ninyong tanggalin ito at buksan.â€
Dali-daling binuksan ng mga bisita ang envelope. Gumuhit ang matinding pagkagulat sa mukha ng lahat ng bisita. Ito ay isang litrato kung saan magkapatong at nagtatalik sa ibabaw ng kama ang bride at ang best man. Ilang buwan bago ang kasalan, nakahalata na ang groom na may namamagitang “something†sa kanyang nobya at best friend na kinuha niyang best man. Kumuha siya ng secret agent para pasubaybayan ang kanyang nobya at bestfriend. At iyon nga ang bumulagang katotohanan sa kanya: kinakabit ng kanyang bestfriend ang kanyang nobya. Ang mga walanghiya!
Drama lang niya na hindi pa naaaprubahan ang kanyang loan sa banko. Hinayaan niyang ang nobya ang magbayad ng lahat ng gastusin sa kasalanan. Gusto niyang makaganti. Bukod pa rito ang panghihiya niya sa mga ito sa pamamagitan ng pagkalat ng malaswang picture ng pagtaÂtalik. Nagsalita ulit ang groom sa microphone. Hinarap niya ang kanyang nobya at best man.
“Sinorpresa kasi ninyo ako, nakakahiya naman sa inyong dalawa kung hindi ko kayo gagantihan ng isa rin sorpresa. Sorry Honey, sosolohin mo ang pagbabayad ng mahigit na $100,000 dahil bukas na bukas din ay aasikasuhin ko ang diborsiyo nating dalawa.â€
- Latest