^

Punto Mo

Magplano ng pamilya

Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

SI Senator Juan Flavier ay sumulat ng librong “Family Planning Made Easy.” Dito ay ikinuwento niya ang lahat ng katuwa-tuwa at nakakatawang istorya tungkol sa family planning.

Bakit ba dapat magplano ng pamilya? Ayon sa Senador, maraming mga nanay at sanggol ang namamatay dahil sa hindi pagpaplano ng pamilya. Bawat taon, may 12,000 kababaihan ang namamatay dahil sa paglalaglag ng bata (abortion). At alam n’yo ba na may 300,000 sanggol ang naa-abort bawat taon. Grabe!

Ang layunin lang ni Flavier ay bigyan ng impormasyon ang ating mga kababayan, lalo na ang mahihirap, tungkol sa family planning. Heto ang mga paraan:

1. Rhythm Method – Ang rhythm ay magagamit ng babaeng regular ang pagregla. Kung ang menses ng babae ay bawat 28 araw, ang safe na araw para magtalik ay 7 araw mula sa unang araw ng pag-regla. Ligtas din ang 7 araw bago dumating ang susunod na regla. Kung bibilangin natin ay 14 na safe days at 14 na hindi safe days. Ngunit kung ang babae ay hindi regular ang menses, hindi puwedeng gamitin ang rhythm.

2. Withdrawal Method – Ang withdrawal ay kung saan tinatanggal ng lalaki ang kanyang ari bago mag-orgasm o maglabas ng semilya. Mababawasan nito ang tsansang magbuntis ang babae, ngunit hindi po ito 100%. Ito’y dahil may konting semilya nang lumalabas kahit hindi pa nag-o-orgasm ang lalaki.

3. Condom – Ang condom ay isang plastic na isinusuot sa ari ng lalaki. Napatunayan na ito’y makapagpipigil sa paglaganap ng AIDS at sakit sa babae. Epektibo rin ang condom pang-family planning. Kaya lang, may mga lalaki na ayaw gumamit ng condom dahil hindi sila lubusang nasisiyahan sa kanilang pagtatalik.

4. Pills – May mga pildoras na iniinom araw-araw ng kababaihan para hindi magbuntis. Medyo safe naman po ito. Magtanong sa inyong obstetrician-gynecologist (doktor sa babae) o sa inyong health center tungkol dito.

May iba pang mga paraan ng family planning, tulad ng IUD (intra-uterine device) at diaphragm na hindi ko na tatalakayin. Puwede rin magpa-vasectomy ang lalaki o magpatali ang babae. May iba naman ang nagsasabi na “pigilan si Mister sa pang-gigigil.” Hindi naman ito puwede, hindi ba?

Napakamahal po ngayon magpaaral at magpalaki ng anak. Alamin natin itong mga paraan ng family planning. Pumili ng angkop sa inyo at sa inyong paniniwala. Good luck po!

 

vuukle comment

ALAMIN

ARAW

AYON

BABAE

FAMILY PLANNING MADE EASY

RHYTHM METHOD

WITHDRAWAL METHOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with