^

Punto Mo

Q and A tungkol sa pangangalaga ng mata at nearsightedness (Part 1)

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

MASAMA ba ang magbasa sa madilim? At manood nang sobrang malapit sa TV?               

Oo. Hindi magandang praktis ang pagbabasa sa madilim na lugar. Kapag hindi sapat ang liwanag,  napapagod ang ating mata. Nai-strain ito. Gayundin ang kaso kapag nanonood  ng tv. Dapat ay panatilihin ang tamang distansya sa pagitan ng tv at ng taong nanunood.

Nakalalabo ba ng mata ang paliligo sa gabi?

Walang katotohanan ito. Bukod sa sinasabing paglabo ng mata kaugnay nang paliligo sa gabi, may nagsasabi ring mabubulag ang mata kapag natulog nang basa ang buhok. Pero lahat ng ito ay hindi totoo. Katunayan, mas maipapayo ko pa nga ang paliligo tuwing gabi upang mahugasan ang lahat ng dumi at pawis na naipon natin sa buong maghapon.

Ano-ano ang palatandaan ng myopia o nearsightedness?

Sa mga batang estudyanteng nearsighted pala, heto ang karaniwang  mapapansin sa kanila: nagbabasa ng libro nang malapit sa mata, kumokopya nang ubod-lapit sa blackboard, nanunuod nang malapitan sa TV o sine, napapansing laging papikit-pikit ang mata (squinting), at waring hindi alintana ang mga bagay na malayo-layo sa kanya.

Paano nagkaka-myopia?

Sa normal na paningin, ang pumapasok na image o light rays ay nakapokus sa tinatawag nating “retina.” Sakto dapat sa mismong retina ang pagpokus ng light rays; hindi sa harap nito, hindi sa likod nito. Ang retina ay ang bahagi ng ating eyeball na nagtataglay ng milyon-milyong specialized cells na nagsisilbing light receptors. Ang image na dala ng light receptors ang ipinadadala sa utak para ma-interpret ng mata kung ano ang kaniyang nakikita.

 Pero sa kaso ng myopia, ang binabagsakang point of focus ng mga images ay nasa “harap” lamang ng retina; hindi mismo sa retina. Dahil dito, ang malalayong bagay ay nagmimistulang malabo. ‘Yung bagay na malalapit lamang ang nakikitang malinaw. Kaya tinawag na “nearsighted” ang mga taong myopic. Sinasabing posibleng pahaba (elongated) ang hugis ng eyeball ng mga taong nearsighted. Alam naman nating bilog ang normal na hugis ng eyeball. Kung naging pahaba ang eyeball, hindi umaabot sa dakong retina ng mata ang light rays. Tumatama lamang ito sa harap ng retina.

 

ALAM

ANO

BUKOD

DAHIL

MATA

PERO

RETINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with