Mga Tunay na Kuwento ng Karma
Ganti ng Pugot na Ulo
Si Sigurd Eysteinsson (aka Sigurd the Mighty, nabuhay mula 875–892) ay naging second Viking Earl of Orkney, na namuno sa pananakop ng northern Scotland. Sa isang pakikipaglaban, napatay niya ang kanyang kaaway na si Máel Brigte. Noong araw, pangkaraniwan nang ginagawa ng mga mandirigma na bitbitin ang pugot na ulo ng kanyang natalong kaaway dahil ito ang nagsisilbing tropeo sa kanyang tagumpay. Itinali ni Sigurd ang pugot na ulo ni Mael sa kanyang kabayo. Habang nakasakay sa kabayo, napakiskis ang ngipin ng pugot na ulo sa sugat ni Sigurd. Nagkataong may gum infection pala si Mael at iyon ay humawa sa sugat ni Sigurd. Doon nagsimulang kumalat ang infection sa buong katawan ni Sigurd na kaagad niyang ikinamatay.
Magnanakaw ng Buto
Si Dr. Michael Mastromino ang nagtatag ng Biomedical Tissue Services (BTS) sa Fort Lee, New Jersey. Nagbebenta sila ng human bones, organs, tissue at ibang body parts. Ngunit noong October 8, 2005, ipinasara ng U.S. Food and Drug Administration ang BTS company ni Mastromino dahil nabisto nilang ang mga body parts na ibinebenta nila ay ninanakaw nila mula sa bangkay na nakapila for cremation. Pinepeke nila ang papeles na kunwari ay may permiso ito mula sa pamilya ng namatay. Ang mga bones, organs at tissue na ninakaw ang ibinebenta nila sa medical companies. Noong July 7, 2013 ay namatay si Michael dahil sa bone cancer.
(Itutuloy)
- Latest