‘Open to the public’
PINAPAALALAHANAN ang mga establishemento partikular ang mga beauty clinic at mga maliliit na pwestong pang-negosyo.
Maging mapagmasid at ’lerto sa lahat ng oras at sa lahat ng mga pumapasok sa inyong tanggapan.
Baka kasi hindi ninyo nalalaman, sinu-surveillance at pinag-aaralan na pala kayo ng mga putok sa buhong kawatan at mga halang ang bituka.
Inaalam kung ilan ang empleyado, anong oras maraming tao at kung anong oras sila pwedeng manloob.
Kuwidaw! Habang maraming tao kasi ang nasa labas ngaÂyÂong tag-araw, pakalat-kalat din ang mga masasamang-loob. Naghahanap ng tyempo at oportunidad para makapambiktima.
Kaya kayong mga nagta-trabaho sa mga beauty clinic man yan o mga maliliit na pwesto na open to the public o mga bukas sa publiko, maging ‘lerto sa inyong seguridad.
Mas maganda ng maging praning. Importante na mayroon ding security guard na nagmamasid sa lahat ng mga indibidwal at grupong pumapasok at nagpapanggap na kustomer sa inyong mga tanggapan.
Karaniwang estilo ng mga putok sa buhong kawatan, papasok sila sa loob, kakausapin at kukuyugin ang mga empleyado saka hoholdapin ang cashier.
Mag-ingat, mag-ingat.
Upang hindi mapasama sa mga nabibiktima ng iba’t ibang uring modus, makinig at manood ng BITAG Live araw-araw tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.
Mag-log on din sa bitagtheoriginal.com click “Safety Center†para sa mga tips at iba pang kontra modus.
- Latest