^

Punto Mo

100 Amazing Secrets (Last Part)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

91. Huwag itapon ang balat ng itlog. I-blender ito para madurog at ihalo sa garden soil. Mainam itong fertilizer.

92. Para tumagal ang  iyong disposable razor, buhusan muna ng kaunting baby oil ang blade bago ipang-ahit.

93. Paano pahabain ang pilik mata? Bago matulog, aplayan ng castor oil ang iyong pilik mata gamit ang spoolie brush (brush ng kilay). Kinabukas an ng umaga ay hugasan ang pilik mata ng maligamgam na tubig. Gawin ito nang regular at mapapansin mong may magaganap na pagbabago pagkaraan ng ilang buwan. Nakakapagpatibay pa ito ng pilik mata.

94. Para matanggal ang pamumula at paghapdi ng pimple: Bumili ng Advil Liquid Gel. Punasan muna ng rubbing alcohol or vodka ang dulo ng aspile/perdible/karayom. Ito ang ipam­butas sa dulo ng Advil Liquid Gel. Pisilin ang capsule para lumabas ang gel. Direktang ipahid ang gel sa pimple. 

94. Isang oras bago kumain ng almusal, tanghalian at ha­punan, uminom muna ng  dalawang tasang tubig. Kung gagawin  ito araw-araw sa loob ng 12 weeks, mababawasan ang iyong timbang ng 3 to 4 pounds.

95. Kung nababaliw ka na sa antok pero hindi puwedeng matulog dahil oras pa ng trabaho. Paano matatanggal ang antok­? Pigilin ang paghinga hangga’t kaya mo. Tapos unti-unting pakawalan ang hangin mula sa baga. Ulit-ulitin hanggang sa ikaw ay “magising”.

96. Paano gamutin ang namumutok na sakong? Gawin sa gabi bago matulog. Pahiran ng shaving cream ang sakong. Paghaluin ang 1/2 cup warm water +  1/2 Listerine. Kumuha ng dalawang maliit na pirasong cotton cloth. Basain ng Lis­terine mixture. Ito ang ibalot sa sakong ng isang oras. Balutin ng plastic­ ang paa para hindi mahulog ang cotton cloth na nakadikit sa sakong. Pagkaraan ng isang oras i-scrub ang sakong. Banlawan at pahiran ng lotion.

97. May pigsa? Pahiran ito ng tomato paste…paste hindi sauce, para puro at malapot. Nakakatanggal ng sakit at mabilis mahinog at pumutok.

98. Pahiran ng Listerine ang pumutok na blister para hindi maimpeksiyon. Nagkakaroon ng blister pagkatapos mapaso o nakiskis ang paa ng bagong sapatos.

99. Problema ang butones na natatanggal kaagad sa damit? Kung ang butones ay may apat or dalawang butas, pahiran ito ng colorless na cutex sa gitna upang tumibay ang nakatahing sinulid.

100. Ang pinakamagandang oras para magdasal ay sa madaling-araw. Base sa sariling karanasan, mabilis kong nakakamit ang isang kahilingan kapag sa nabanggit na oras ako nananalangin. Mas concentrated ako, mas luma­lakas ang aking paniwala na makakamit ko ang aking wish. ’Yun ang resulta ng positive thinking!

vuukle comment

ADVIL LIQUID GEL

BALUTIN

BANLAWAN

GAWIN

LISTERINE

PAANO

PAHIRAN

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with