^

Punto Mo

Problema sa droga, lumalala

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi talaga maikakaila na may matinding problema pa rin ang bansa kung ang pag-uusapan ay ang pagkalat ng ilegal na droga.

Pero mukhang lalong naging kumplikado lalu na ngayong ma­init ang isyu tungkol sa umano’y pagkakadawit sa ilang opisyal at tauhan mismo ng PNP sa operasyon nito. Huwag natin kalimutan ang papel    ng lokal na pamahalaan sa pagsugpo ng krimen lalu’t droga. 

Nangangamba ang maraming grupo partikular ang mga Anti-Drug Advocate at VACC , dahil sa mabilis na pagkalat ng illegal drugs. Maging ang bilang umano ng mga drug lords sa bansa ay masasabing nadoble na rin.

Naniniwala rin ang mga grupong tulad nila na bigo pa rin ang pamahalaan sa kanilang anti-drug campaign.

Mas lalong nabahala ang marami, dahil nga sa nabulgar na umano’y ‘link diagram’ ng pinaslang na si Chief Inspector Elmer Santiago.

Sa naturang diagram nga ni Santiago ay siyam na opisyal at 22 non-commissioned  police officers ang ibinunyag nitong sabit sa illegal drug ring  syndicate.

Sinasabi pa rin ang pagkapaslang kay Santiago ay may malaking kinalaman sa kanyang isinumiteng ‘link diagram’. 

Ito ang malaking problema na kinakaharap ng PNP ngayon.

Malalimang imbestigasyon ang hiling ng mga anti-drug advocates at anti-crime groups para mapanagot ang mga sangkot sa ganitong operasyon. Bagsak presyo na raw ngayon ang ilegal na droga sa bansa dahil na rin sa pagpasok rito ng Mexican Sinaloan drug cartel.

Mas lalo umanong bumabagsak ang presyo kapag ang nakumpiskang mga droga ang siyang naibebenta.

At dahil nga sa mura ang prsyo kaya patuloy ang paglaganap nito at maging sa maliliit na kanayunan ay nasusumpungan na ito.

Ang prolema sa droga ang madalas na nagiging ugat ng mga karumal-dumal na krimen na nagaganap kaya nga dapat talaga itong matutukan ng mga awtoridad.

vuukle comment

BAGSAK

CHIEF INSPECTOR ELMER SANTIAGO

DRUG

DRUG ADVOCATE

HUWAG

MEXICAN SINALOAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with