‘Special kids’
HINDI madali sa isang magulang na magkaroon ng isang anak na “espesyal.â€
Ito ‘yung mga batang nangangailangan ng espesyal na atensyon at “espesyal†na mga pangangailangan ‘di tulad ng mga “regular†o karaniwang bata.
Sa mga ispiritwal na magulang, itinuturing itong biyaya galing sa Diyos. Iniisip nila na may saysay at may rason kung bakit ibinigay sa kanila.
Ang iba naman, nagagalit sa Poong Maykapal at iniisip na pabigat ang kanilang anak. Hindi dahil nawalan na sila ng pag-asa kundi dahil wala silang kakayanan. Kaakibat kasi ng pagkakaroon ng “child with special needs†ang malaking gastos para masuportahan ang mga personal na kailangan ng kanilang anak, sa edukasyon man at mga special intervention o therapy at training.
Subalit, papaano nalang kung ang isang magulang ay mahirap, salat sa buhay at hindi sapat ang kinikita?
Malaki ang papel na magagawa ng pamahalaan sa mga kaso ng mga batang “espesyal.†Dati kapag naririnig ng ibang mga indibidwal ang salitang “special kids†iba ang kanilang iniisip at persepsyon.
Ngayon sa henerasyong ito, nabubuksan na ang kanilang isipan na ang mga ganitong bagay ay kailangang suportahan ng pamahalaan. Kinakailangan ng ayuda at subsidiya ng gobyerno dito.
Magkaroon ng programa ang gobyerno na maglagay ng eskwelahan. Mas malaki kasi ang tyansang umunlad at “makasabay†ang mga may “special needs†kapag sila ay naaaruga at natututukan. Nabibigyan ng sapat na pondo at natutustusan ang kanilang mga pangangailangan.
Sana mabuksan ang isipan ng kongreso na magsulong ng batas para sa mga “espesyal.†Kung mayroong binuong programa ang gobyerno sa person with disability o PWD, dapat mayroon ding bukod para sa mga special kid.
Ihiwalay ang pondo sa ganitong programa nang sa gayun, hindi na malugmok pa sa kahirapan ang mga magulang na salat sa kanilang mga pangangailangan at kinikita.
Ugaliing makinig at manood ng BITAG Live araw-araw tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.
- Latest