^

Punto Mo

Sr. Supt. Elmer Cabreros, ‘Martilyo Gang’ ang unahin mo, hindi pagkaperahan

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HAPPY EASTER mga kosa!

Naghahanap si Sr. Supt. Elmer Cabreros, ang bagong upo na hepe ng NCRPO intelligence, ng “cashier.” Ang tinutukoy ni Cabreros na “cashier” ay hindi tiyak ang comptroller ng NCRPO dahil meron na ito sa katauhan ni Sr. Supt. Jimili Macaraeg. Sinabi ng mga kosa ko sa Bicutan, na ang “cashier” na hinahanap ni Cabreros ay mga doberman na “tong kolektor.” Sa pakipag-usap niya sa kanyang mga tauhan, sinabi ni Cabreros na kapag may “pitsa’ ang lakad nila dapat idiretso na ito sa kanya at wala nang iba.

Mukhang hindi maganda ang umpisa ni Cabreros. Imbes na ang “Martilyo” gang na tumira sa isang jewelry shop sa MOA sa Pasay City ang unahin niya e pagkaperahan kaagad ang nasa isip. Mismo! Walandyo, itong si Cabreros ay miyembro ng PMA Class ‘88. At tiyak itong pagkakapitsaan ay hindi saklaw ng curriculum ng PMA, di ba mga kosa? Alright, mga kosa? Kaya may basehan ang reklamo ng PNPA graduates na bakit mga PMA lang ang nasa puwesto dahil hindi naman ang sinumpaan nilang public service ang pinaiiral ng mga ito kundi bulsa service din. T’yak yun! Ano ba ‘yan?

Matapos kausapin ang mga tauhan niya noong Martes, nag-close door naman si Cabreros at mga kolektor na sina SPO1 Jojo Cruz, SPO2 Noel de Castro, Jake Duling, Rod Malaya, at mga alyas Bebet at Noriega. Ayon sa mga kosa ko, si Jake Duling ay gambling lord na naka-base sa Muntinlupa City samantalang sina Cruz alyas Boy Pandak, De Castro, Bebet at Noriega ay kinamumuhian ng gambling lords. Matapos ang pag-uusap nina Cabreros, aba kumalat kaagad ang balita na magkakaroon ng kampanyang “all out war” ang NCRPO laban sa illegal gambling simula bukas sa Metro Manila. Pero imbes na mangilin nga nitong Holy Week, panay raid ang ginawa ng mga doberman ni Cabreros sa northern at southern Metro Manila.

 

Ang ganitong sistema mga kosa ay para pataasan ang tara o lingguhang intelihensiya ng NCRPO sa illegal gambling. Pero hindi naman magawang magreklamo ang mga gambling lords dahil sa puwedeng idahilan ng mga bataan ni Cabreros na ang mainit na kampanya nila sa illegal gambling ay kasama sa “no take” policy ni DILG Sec. Mar Roxas, di ba mga kosa? Pero kung itong “all-out war” ng NCRPO sa pasugalan ay paraan ni Cabreros para makamtan ang target nilang P1 milyon tong collection kada linggo ay matutunugan ko rin, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang raket lang ‘yan!

Kung sabagay, kung totoo itong “all-out war” ni NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria laban sa pasugalan puwede bang palakpakan natin siya mga kosa? Pag nagkataon kasi, ang NCRPO na lang ang tumalima sa “no take” policy ni Roxas di tulad nina CIDG chief Dir. Benjamin Magalong, PNP Directorate for Intelligence chief Dir. Charles Calima, Intellligence Group director Chief Supt. Bong Ramos at NBI director Virgilio Mendez na kumukurot na sila. Abangan!

BEBET

BENJAMIN MAGALONG

CABREROS

JAKE DULING

KOSA

METRO MANILA

PERO

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with